Inaasam na Pagbangon

28 1 0
                                    

"Inaasam na Pagbangon"
Ni:Camille Malate
Kailan kaya mararanasan ng karamihan sa Pilipino ang inaasam na kaginhawahan?
Hanggang kailan kaya nila kayang tiisin?
Tiisin ang buhay na nahihirapan sila at parang pinagkakaitan?
Hanggang kailan ang kahirapan?

Maraming Pilipino ang mga nagugutom
Hindi kaba naawa?
Na sila'y nagugutom?
At walang makain dahil walang magawa?

Dahil ang  kinikita sa trabaho ay hindi parin sapat
Na kahit anong pilit pagkasiyahin sila parin ay salat
Hindi ba kayo naawa sa mga kabataan na nais mag aral?
Ngunit hindi kaya dahil hindi sapat ang perang pampaaral?

Sana naman ay wag kayong mag bulagbulagan
Dahil hindi biro ang kahirapang kanilang nanararanasan
Kailan kaya ang panahon?
Na ang bansang Pilipinas ay makakabangon?

Mula sa pagbagsak ay muli itong tatayo
Makikita ang pagbabago na inaasam ng  lahat
Na mawawalan na ng mga mamayang salat
At ang ating bansa ay magiging maunlad at  makikilala sa buong mundo.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon