Tagu-Taguan

24 1 0
                                    

"Tagu-taguan"
Ni:Camille Malate
Pagbilang kong sampo nakatago na kayo
Isa! Dalawa! Tatlo!
Hanggang sa umabot na ng sampo ang bilangan
At kayo'y aking hahanapin sa ilalim ng maliwang na buwan
Tagu-taguan yan ang pinaka paborito kong laro
Pero hindi ko naman inakala na hanggang sa pagtanda ko lalaruin ko parin ito
Isa! Dalawa! Tatlo!
Nagtago ako
Dahil ayaw kong makita mo
Ang tulad ko na umiiyak dahil sayo
Kasi sinabi ko sa sarili ko
Na kahit kailan hindi ako iiyak ng dahil sa pag-ibig ngunit nagkamali ako.
Apat! Lima! Anim!
Di ko na kayang pigilan ang aking damdamin
Dahil ang aking nararamdaman
Ay hindi kona matago kahit palihim
Oo minahal kita ng palihim
Pero diko naman inakala na para pala yong isang lagim
Isang delubyo na sisira sa akin ng ganoon kadali
Dahil akala ko matibay at malakas ang mga pader na aking ginawa pero sinira mo yon ng ganoon ka sandali
Pito! Walo! Siyam!
Sumuko na ang tulad ko
Hindi na kayang tiisin ng puso ang sakit na dulot mo
Kaya sinulit ko ang gabi at ninamnam
Dahil sa gabing iyon bawat sandali
Ibinuhos ko ang lahat ng dalamhati
Kinalimutan ang lahat ng nangyari
Para pagdating ng umaga, taas noo akong ngingiti
At pagbilang ko ng sampo
Nagtagumpay ako
Nakalimutan kita kahit mahirap gawin
Ngunit ng dahil sa tagu-taguan
Natuto ako.
Na hindi sa lahat ng pagkakataon
Kailangan kong itago ang nararamdaman ko
Dahil pag ikaw ay nagpahuli tiyak ikaw ay masasaktan
Isa! Dalawa! Tatlo!
Natuto akong lumayo.
Apat! Lima! Anim
Nakabangon ako sa nangyaring lagim
Pito! Walo! Siyam!
Wala na akong dinadamdam
At pagdating sampo
Taas noo kong hinarap ang lahat upang ikaw makalimutan ng aking puso.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon