"Back read"
Ni:Camille Malate
Ayan kananaman!
Pilit mo nanaman binabalikan.
Inaalala ang nakaraan
Nakaraan na hindi mo malimutan
Kaya naman binabasa mo padin
Ang inyong napaguusapan
Ano masaya kaba?
Masaya ka na nababasa mo ang messages niya?
Siguro masaya ka nga,
Masaya ka na binabasa mo
Ang mga mensahe niya
Pero ano?
Sa huli masasaktan ka?
Na marerealize mo na tapos na pala
Na wala na kayong dalawa?
Na hanggang ikaw at siya ay ala-alala nalang pala?
Pero bakit ba?
Pilit mo padin binabasa?
Backread ka ng backread may napapala kaba?
Oo mahal mo siya!
Pero wag kang tanga!
Dahil iniwan ka na niya!
Na hindi na niya babalikan pa!
Na hanggang backread ka nalang kasi nga wala na siya!
Namimiss mo siya?
Bakit ikaw namimiss kaba niya?
Mahal mo parin siya?
Bakit ikaw mahal kapa ba?
Diba hindi mo din alam kasi nga nagbago na siya
Hindi siya ang dating mong nakilala
Kaya ang gagawin mo magbabackread ka?
Magbabackread ka para kahit papano mabalik mo ang dating siya?
Oo sa una kikiligin kapa,
Kasi nga nararamdaman mo yung pagmamahal niya
Pero habang tumatagal na
Nakikita mo na ang pagbabago niya
Hanggang sa hindi mo namamalayan
Yung saya na nararamdaman mo sa una ay napapalitan na ng kalungkutan
Hanggang sa tutulo nalang ang luha mo
Dahil sa sakit na bumabalot diyan sa puso mo
Pero kahit na ganyan ang nararamdaman mo
Bakit pilit mo paring binabalikan?
Kahit alam mong ika'y masasaktan
At alam mong ika'y talo
Bakit nagbabackread kapa?
Kasi mahal mo siya?
Bakit may magagawa ba yang pagmamahal mo sakanya?
Kung ikaw nalang naman ang lumalaban sainyong dalawa?
Alam ko masakit at nasasaktan kana
Pero sana itigil mo na
Kasi ikaw rin ang mahihirapan
Dahil sa huli ikaw parin ang luhaan kaya sumuko ka nalang dahil hindi ka pwedeng magreklamo dahil wala kang karapatan!
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...