"Scouting"
Ni:Camille Malate
Scouting yan na ang naging buhay ko
Diyaan na umiikot ang aking mundo
Dito ako natuto kung paano maging disiplinado
Tinuruan din ako ng scouting na maging matulungin sa aking kapwa taoHindi lang pala sa aking kapwa tao
Kundi pati saaking kalikasan,
Natuto akong magtanim ng halaman
Kasama ang mga kapwa ko scout na tumutulong ng buong pusoSa scouting nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan
Hindi lang tunay na kaibigan kundi mga kapatid rin
Na handang magpasaya sayo at mahalin ka ng tunay
Kahit malayo kayo sa isa't isa handa iyang maghintayMagkita lamang kayo kahit minsan
Kahit matagal kayong hindi nagkita hindi ka niyan makakalimutan.
Sa scouting nakatagpo ako ng kasiyahan
Na hindi ko inakalang aking mararanasanKasama ang mga bagong kaibigan
Na nakilala ko lang ng araw na iyon
Ngunit hindi ko alam bakit ang iba'y tayo'y pinagtatawanan
Siguro nga'y hindi lang nila naiintindihanKung ano nga ba ang scouting sa ating buhay
At kahit na ako'y babae at karamihan ay kakalakihan, ang tingin namin sa isa't isa ay pantay-pantay
Walang nakakalamang, wala ring naiiwanan
Dahil sa scouting tayo'y nagtutulunganNatutuwa ako dahil sa scouting ay may pagkakaisa,
Handa rin na tumulong ng walang bayad
Kahit maghapon na utusan at magserbisyo
Itatawa lang niyan ang nararamdamang pagod
Dahil masaya siya sa kung ano ang kanyang ginagawa at ito ang gusto ng kanyang puso.Masaya ako dahil binago ako ng scouting
Sana huwag dumating
Ang araw na mawala ang mga scout
At sana huwag silang matakotDahil sa scouting marami kang matututunan
Magiging advance ka din
At magiging mas handa sa anong oras at panahon
Kung kaya't hindi ko ito susukuanTumanda man ako
Ang scouting sa aking puso ay hindi magbabago
Dahil proud ako na sa aking buhay dito sa mundo
Naranasan kong maging scout kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...