Di ako magaling

29 1 0
                                    

"Di ako magaling"
Ni:Camille Malate
Oo di ako magaling sa pagsusulat
Wala akong talento pag dating  sa pagsulat
Pero dahil sa pagsusulat aking nauulat
Ang damdaming hindi ko maisiwalat
Sa pag sulat aking nailalabas
Ang aking sa loobin na nagpapabigat saakin ng labis
Mga damdaming aking kinikimkim
Na nagiging dahilan ng pagdilim
Ng aking mundo dahil wala akong masabihan
Kaya sana ako'y inyong wag pakialaman
Dahil hindi ako sainyo gumagawa ng kasamaan
Pero bakit ako'y inyong hinuhusgahan?
Alam ko di maganda ang aking gawa
Feeling ko nga ito'y walang kwenta
Ngunit, ako parin ay nagpapatuloy sa paggawa
Dahil sa aking tula
Ako'y sumasaya
Sumasaya dahil kahit papaano nababawasan ang sakit na aking nadarama
Pero ako'y inyong hinuhusgahan
Na tila ba gusto niyong ito'y aking iwanan
Ngunit pasensya na
Dahil hindi ako hihinto sa paggawa
Hindi man ako magaling na manunulat
Ipagpapatuloy ko parin ang pagsusulat
Ng mga tula na sarili kong gawa
Na kahit mahirap para saakin,
Dahil pagkanta at pagtugtog ang talento ko
Basta ito'y aking ipagpapatuloy dahil ito rin ang gusto ng aking puso.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon