Neckerchief

17 2 0
                                    

"Neckerchief"
Ni:Camille Malate
Isang telang patatsulok ang hugis
Ito ay kulay pula
Telang aking pinakakaingatan ng labis
Kahit ito'y nangungupas na
Kapag ito'y aking suot
Hindi ko maiwasan na ngumiti kahit mainit
Dahil ako'y proud na isa akong iskawt
Na handang maglingkod at magserbisyo sa lahat
Neckerchief ang tawag sa hugis tatsulok at kulay pulang tela na ating isinusuot
Simpleng tela kung makikita ngunit,
Ito'y napakahalaga para sa tulad kong kasapi sa kilusang pang iskawt
Dahil sa simpleng telang ito marami akong napatunayan at nakamit
Sa araw ng World Scarf Day
Ating suotin ng sabay-sabay
Ang telang pula
Na kung tawagin ay neckerchief
Sama-sama nating ipakita sa lahat
Na isa tayong scout at hindi tayo magpapahigit
Sa mga pang iinsulto sa tuwing makikita nila na ito'y ating suot
Patunayan natin sakanila na hindi tayo nagpapaapekto sa kanilang mga sinasambit
At tayo'y taas noong ngingiti sakanila
Dahil masaya tayo sa ating ginagawa
Kasama ang neckerchief na saksi sa lungkot at saya
Sa hirap at ginhawa kaya naman ang neckerchief na ito ay aking iingatan kahit kupas na.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon