Asimptota

69 1 0
                                    

"Asimptota"
Ni: Camille Malate
(Inspired to sa OALS)
Isang linya na kahit kailan ay hindi maaaring magsama
Yung tipong magkalapit na pero hindi pa rin maaaring maging isa
Parang relasyon ang isang asimptota
Maaaring kayo'y "ipinagtagpo pero hindi itinadhana"
Ang sakit pag-iniisip na ang ating relasyon ay parang isang asimptota
Na tayo lamang ay " ipinagtagpo pero hindi itinadhana"
Bakit ganon? Kahit anong gawin ko upang ikaw ay aking makasama
Ay palaging hadlang ang tadhana
Ang sakit na mahal na mahal kita
Pero wala akong magawa
Bakit ba hindi patas maglaro ang tadhana
At bakit kanyang inihalintulad ang ating pag-iibigan sa isang asimptota?
Nagmamahal lang naman ako
Pero bakit ganito?
Bakit ang saklap?
Siya lang naman ang aking gusto at pinapangarap?
Pero bakit hindi kami maaaring maging isa?
Minsan lang ako makahanap ng tulad niya
Pero bakit hindi pa ako kayang pagbigyan ng tadhana?
Ang sakit sakit na akala ko siya na ang habambuhay kong makakasama
Pero hindi pala
Dahil ang ating pag-iibigan ay parang isang asimptota
Na kahit kailan ay hindi maaaring maging isa
Dahil ito ang laro ng tadhana sa ating dalawa
Ilang beses man tayong mabuhay ng paulit ulit
Ikaw pa rin ang aking mamahalin
Kahit sa anong panahon
Pilit pa rin akong kakapit
Kahit na ang mayroon tayong pag-iibigan ay parang asimptota
At hadlang saatin ang tadhana
Palagi mong tatandaan na hindi man tayo ang itinadhana upang maging isa
Ang puso ko ay sayo lang at kahit kailan ang pag-ibig ko sayo ay hindi magbabago kahit na ang ating pag-iibigan ay parang asimptota.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon