"Bestfriend"
Ni:Camille Malate
Dedicated para sa mga taong nagmahal sa bestfriend nila pero hindi pwede.Bestfriend. Yan yung palaging nakakausap mo
Yung taong palaging nasa tabi mo
Yung taong hindi nagsasawa sa mga drama mo
Yung taong naiintindihan ka sa lahat ng pinagdadaanan moBestfriend. yan yung una mong tinatakbuhan kapang nalulungkot ka
Pag-feeling mo mag-isa ka siya yung unang lalapitan mo
Yan yung taong hindi magsasawa sayo
Siya yung tipo ng tao na magpapasya sayoSa bawat araw na nakakausap mo siya
Hindi mo namamalayan na nahuhulog kana pala
Yung akala mong wala lang pero meron pala talaga
Yung pambabaliwala mo sa feelings mo dahil sinasabi mo sa sarili mo na
"Bestfriend ko siya at hanggang dun lang ang meron sa pagitan naming dalawa"Akala mo normal lang yung naiinis ka pag may kasama siyang iba
Kasi feeling mo pinagpapalit kana niya
Pero ang totoo nagseselos ka lang talaga
Pero ayun indenial ka parin sa feelings mo para sakanyaHanggang sa di nagtagal
Yung araw araw na pag-uusap niyo
Yung bestfriend na palagiang nasa tabi mo
Yung bestfriend umiintindi sayo ay iyo na palang mahalDumating ka nga sa punto na
Naguguluhan kana
Dahil sinasabi ng puso mo mahal ko ang bestfriend ko
Pero taliwas naman ang sinasabi ng isip moBestfriend? Pwede bang mag level up yon?
Yung bestfriends into lovers naman?
Kaso natatakot ako
Natatakot ako na baka ako lang yung nagmamahal saming dalawa ng bestfriend koPwede ba?
Yung ikaw at ako mag level up na?
Yung dating bestfriend ngayon lovers na?
Pero pano na yung pangako nating dalawaYung"bawal mafall" na rule natin sa isa't isa
Kaya lang ang hirap kasi magtago ng nararamdaman ko
Oo nayayakap kita,
Pero yung yakap na yon wala namang ibig sabihin sayoKasi nga bestfriend mo lang ako
Na kahit kailan hindi pwedeng maging sayo
Oo sayo ako pero hanggang bestfriend lang naman
kahit ipagpilitan ko ang aking nararamdamanAng hirap kayang mahulog sa bestfriend mo lang
Kasi ang daming hadlang
Hindi mo alam kung anong gagawin mo
Kung aamin kaba o hindi dahil iniisip mo yung pagkakaibigan niniyo.Pag umamin ka,
Maaring mawala yung friendship na meron kayo
Swerte mo nalang pag mutual ang nararamdaman niyo sa isa't isa
Malas mo naman pag hindi dahil mawawala siyaBakit ba kasi sa dami ng taong pwedeng mahalin
Bakit ang bestfriend ko pa?
Nagkamali ata ako ng minahal kasi ako'y nasasaktan
Nasasaktan ako dahil hindi tayo pwedeng dalawaDahil hanggang bestfriend lang ang pwede tayong dalawa
Ang sakit diba?
Pero wala naman akong magagawa
Kaya bestfriend lang ang meron tayo diba?Kaya nagsisisi ako bakit ako nahulog sayo
Kahit na alam kong may rule tayo na "bawal ma-fall"
Pero wala e, ikaw yung gusto ng puso ko
Kahit alam kong iba ang iyong mahalMakulit kasi puso ko
Bakit kasi sa bestfriend pa nahulog at hindi nalang sa iba
Akala ko din kasi may malisya ang lahat ng meron tayo
Yun pala wala talaga, at kahit kailan hindi tayo pwede dahil hindi tayo itinadhana.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...