Pansamantalang Pagibig

79 2 0
                                    

"Pansamantalang Pag-ibig"
Ni:Camille Malate
Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari
Na ako'y mahuhulog at ikaw ang aking pinili
Araw-araw at gabi gabi yan ang Duration ng ating pag uusap
Na hindi alintana ang Hazard na maidudulot ng pagkahulog ko sa aking   puso at isip

Saklaw ng pagmamahal ko sayo ay ang pag kadurong ng aking  puso
Ngunit hindi ko iyon inisip dahil ikaw ay mahal ko
Bawat segundo,minuto at oras yan ang Frequency ng pagpaparamdam mo na ako ang iyong pangarap
Na sa bawat araw na ito'y iyong sasambitin para akong nasa alapaap

Ngunit ang saya at kilig na aking nadarama ay biglaang nawala
Napalitan ng lungkot at pighati
dahil sa ikaw lamang ay pansamantala
Parang kang climate change biglaang nagbago
Sa hindi malaman na dahilan ika'y biglaang sumuko

Parang isang Disaster ang nangyari saaking mundo
Ang dating makulay, masaya at masagila na puso
Ay napalitan ng dilim, lungkot at pagkalumbay
Ngayon hindi ko alam paano umpisahan ang aking buhay

Kung paano ko maibabalik ang dati nitong sigla
Ako'y nakipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan
Na ako ba'y iyong ipaglalaban
Ngunit ako'y nagkamali dahil ako'y tuluyan mo ngang sinukuan

Hindi tuloy malaman ang Intensity na dulot mo
Dahil kahit anong pilit kong ito'y tukuyin ay hindi ko malaman
Dahil sa labis na sakit, ako'y nahihirapan
Na tanggapin na hindi na ako ang mahal mo

Ang speed of on set ng iyong pagkawala
Ay parang isang kisap mata
Kung gaano ka kabilis na dumating  sa buhay ko
Ang ganoon din kabilis ang pag lisan mo

Ang dating mabilis na Response mo
Ay nawala na,
Hindi mo man inisip ang vulnerability ng aking puso
Kahit na alam mong mahina ako,

Gustuhin ko mang sayo'y magalit ay hindi ko kaya
Dahil ikaw ay mahal ko kaya hindi ko magawa
Hindi mo man ako ipinaglaban
Buong puso ko namang taganggapin na ika'y hindi na magiging akin

Kahit ako'y labis na nasasaktan
Huwag mo sanang ako'y kalimutan
Dahil naging parte rin ako ng iyong buhay
Na minsang nag alay ng pag ibig na tunay

Hindi man ako ang itinadhana sayo
Mananatili parin ang pag mahahal ko
Kahit masaya kana sa piling ng iba
Patuloy parin akong aasa at maghihintay saiyong pagbabalik.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon