"Wag kang makalimot"
Ni:Camille Malate
Huwag mo sanang kakalimutan
Na may Diyos na mapagmahal
Na kahit ilang beses kang magkamali ikaw ay kanyang tatanggapin
Ganyan, ganyan ang Diyos natin magmahalIniligtas ka niya mula sa kahapamakan
Tiis niya ang sakit upang tayo'y hindi na masaktan
Inako niya ang ating kasalanan
At minahal niya tayo kahit na tayo'y makasalananGanyan Siya magmahal yung tipong di bale na siya ang masaktan
Yung kaya niyang mag sakripisyo para sayo
Pero anong ginagawa mo?
Nagpapalamon kana sa kamunduhanHuwag ka sanang makalimot
Dahil ikaw? Hindi ka niya kinakalimutan.
Kahit na mahirap at ang daan ay makipot
Sana huwag kang sumuko at lumayo na sa kamunduhanHuwag kang magpasilaw sa mga bagay
Dahil may mas maganda ang naghihintay
Na galing sa Diyos na ating tagapagligtas at makapangyarihan
Ikaw lamang ay sumunod sakanya, at isa puso mo siya maari kang magkaroon ng buhay na walang hangganKaya sana huwag kang makalimot kaibigan
Huwag mong kalimutan na siya'y pasalamatan
Huwag ka ring magpabulag sa kamunduhan
Dahil hindi ka ililigtas niyanIsa puso mo ang ating Panginoon
Tanggapin na personal na tagapagligtas
Tanggapin mo ang regalo na ika'y maliligtas
At makakasama mo Siya sa langit kasama ang mga libo-libong angel na nagdidiwang at nagkakasiyahan
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...