"Words can hurt" (not connected)
Puno na sa sobrang pag iisip
Kung ano ba ang tama at mali
Nakakapagod pala ang mag isip?
Dahil minsa'y naisip kong hindi na tapusin muliSige, hilahin niyo pa ako pababa
Hanggang sa umabot ito sa kasukdulan
Diba diyan kayo masaya?
Yung hilahin ako sa kadiliman?Oo, maaring ngumingiti ako,
Tahimik at hindi lumalaban sainyo
Pero alam niyo ba ang epekto nito?
Malamang hindi dahil wala naman kayong pakialam sa nararamdaman koBawat mga salitang inyong binibitawan
Para akong sinasaksak nito
Sinasaksak sa harap at likod ko
Pero hindi ko pinapakitang ako'y nasasaktanPero sa totoo lang? Ayaw ko na
Dahil ako'y sawang sawa na
Sa mga salitang matalas pa sa bagong kutsilyo
Pero nagtiis ako,Araw-araw pinamumukha niyong wala akong kwentang tao
Na palamunin lang ako
Pero ang totoo,
Parehas lang naman tayong palamunin sa bahay na to.Nakakapagod na.
Kaya minsan naiisip ko nalang na,
"Tapusin ko na kaya ang buhay na to?"
Para wala nalang na rin lang kayong masabi na kung ano-ano.Dahil sa tuwing nakakarinig ako ng mga salitang sintalas ng kutsilyo?
Parang sinasaksak ako,
Hinihila patungo sa dilim na ako lang mag-isa
At hindi na makakawala pa.Ngayon, ako na'y mapag-isa
Hindi na masaya
At hindi na palagiang kumikibo
Sana naman tigilan niyo na akoDahil sa susunod, baka diko na mapigilan ang sarili ko
Baka makita niyo nalang ako,
Nakasabit sa tali at puti na ang mata ko
O kaya'y nakatago sa kumot na naliligo ng sariling dugo
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...