"Baboy"
Ni:Camille Malate
"Ang taba mo"
"Para kang baboy"
"Mag diet kana! Mukha ka ng aparador"
"Para kang ref"
"Ang laki-laki mo na"
"Baboy!"
Isa ka rin ba sa gaya kong nakakarinig ng mga ganyan na salita?
Na nagsasawa na
Dahil sa nakakabwisit na?
Pero hindi mo matakasan kasi lahat nalang napapansin nila ?
Alam ko mataba ako,
Pero pake mo ba?
Madami pampakain nanay ko
Saka inaano kaba ng taba ko ha?
Nakakainsulto kana!
Alam ko naman na mataba ako
Pero wag mo namang ipamukha
Dahil alam ko naman sa sarili ko
Na talagang ako'y MATABA!
At wag mo namang ulit ulitin pa
Kasi nasasaktan din ako
Hindi naman kayo ina-ano ng taba ko
Pero ina-ano niyo siya
Okay lang naman na sabihan niyo ako ng mataba ako,
Pero yung nakakasakit na?
Very wrong kasi naiinsulto na pagkatao ko
At saka tao ako, hindi ako baboy ha?
Nakakairita na kasi,
Paulit-ulit nalang at araw-araw naririnig ko ang mga katagang iyan
Pwede ba kahit sandali?
Isantabi niyo muna yang mga sinasabi niyo saakin?
Kasi kahit nakangiti ako sa inyong harapan
Sa loob-looban ko,
Yung puso ko sobra ng nahihirapan
Gusto ko mag reklamo
Pero pinipilit ko pa rin na makita niyong ayus lang ako
Pero sa kabila ng nagnahihirapan ako
Ngingiti parin ako
Kasi ayaw kong may masabi kayo
Pag nagreklamo ako at naglabas ng sama ng loob sainyo
Pero sana ikontrol niyo,
Ang pagsasabi nniyo ng BABOY AKO!
Kasi sa totoo lang, tao talaga ako,
Hindi hayop, hindi rin bagay na gaya ng inihahalintulad niyo sa matabang gaya ko
Kaya naman pakiusap,
Tigilan niyo na ang pagsasabi ng mataba o baboy ako kasi ang hirap magpanggap
Ayaw ko naman na dumating sa punto
Na kayo'y aking kamuhian
At ako'y mapuno
Tapos tayo'y magkakaroon ng sama ng loob sa isa't isa
Kaya mas maganda siguro kung iwasan na ang pagsasabi ng "BABOY KA"
Para bati tayo
At spread the love sabi nga nila.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...