"Luma o Bago"

30 1 0
                                    

"Luma o Bago?"
Ni:Camille Malate

Sino ba saaming dalawa ang pipiliin mo?
Akong luma o yang bago mo?
Ang hirap kasi ng nakikihati sa oras mo.
Hindi ba pwedeng sa luma nalang ang atensyon at wag sa bago?
Ang hirap kasi nito.
Ang sabi mo mahal mo ako
Pero bakit mas marami kang oras kay bago?
Paano na ako?
Ayaw naman kitang bitawan
Dahil sign yon ng pag-suko
Ayaw kong bitawan ka dahil pag bitiwan kita talo ako
At maaring sakanya na umikot ang mundo mo at wala na akong babalikan
Gusto ko sanang magpahinga na muna
Kaso pag nagpahinga ako
Baka pag balik ko
Wala kana
Dahil hawak ka na ng ibang kamay
At hindi na ako ang iyong karamay
Kaya sana pumili ka!
Ang bago mo ba o akong luma?
Alam ko konti lang ang laban ko
Pero ipagpapatuloy koto
Hanggat mayroon pang pag-asa
Dahil hanggang hindi kapa bumibitaw sa kamay ko hahawakan kita
Alam ko medyo mahirap ang sitwasyon
Dahil baka mas piliin mo yang bago mo
Pero umaasa ako na ako parin ang laman ng puso mo
Kaya sana piliin mo na ang bago ba o akong luma mo para hindi na madagdagan pa ang sakit na aking mararamdaman kung siya ang iyong pipiliin.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon