(walang pamagat)
Sa muling pagkakataon
Binalot nanaman ako ng kalungkutan
Na hindi alam kung ano ang pinagmulan
Paano ko ba ito matatakasan?Ni hindi ko nga malaman ang tunay na daan
Tila ba muli akong nawawala sa aking dinadaanan
Na parang bulag na walang makita
Dahil sa lungkot ng kadiliman na hindi ako maiwang mag isaMadalas ay palagiang pagkukunwari
Kunwaring masaya at palagiang nakangiti
Tila ba na wala akong pinapasang problema
Kung ako'y inyong makikitaNgunit sa totoo,
Para na akong baliw kung makaisip ng kung ano-ano
Kaya sana minsan ako'y inyong kausapin
Dahil pag hindi ko na kaya baka ano pa ang aking gawin.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...