"Ano ba tayo?"
Ni:Camille Malate
Sweet ka sakin,
Inaalagaan mo din ako
Binabawalan pag kinakailangan
At higit sa lahat pinaparamdam mo na mahal mo ako,
Ngunit ano nga ba ang meron tayo?
Parang tayo pero hindi,
Magkaibigan ba talaga tayo o magka-ibigan?
Kasi ako nagugulahan nadin ako at hindi na mapakali
Dahil iba na ang aking nararamdaman
Feeling ko nga ako'y nahuhulog na saiyo
Ngunit hindi ko maaaring ipaglaban ang aking nararamdaman
Dahil walang kasiguraduhan kung ako ba'y talagang mahal mo
Ang hirap naman nito
Hindi ko alam kung ano ba tayo
Madalas tayong nagpapalitan ng "Mahal kita"
Pero ito ba talaga'y totoo aking sinta?
O baka naman wala lang ito para saiyo?
Nakakatakot din kasi ako dahil wala tayong lebel sa isa't isa
Oo parang tayo
Pero kasi hindi ko alam kung meron ba,
Pero ako'y nanalangin,
Na sana sa tamang panahon
Magkaroon na ng tayo
Para alam ko na ang sagot sa "Ano ba tayo"
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...