Kaya ba na tayo'y mag umpisang muli?
Napakahapdi
Nitong aking nararamdaman sa aking dibdib
Nakakapang hina ng loobNakakawalang gana sa lahat ng bagay
Dahil nawalan ng kulay ang aking buhay
Puro itim ang aking nakikita
Maaari ko bang itanong kaya ba?Libu-libong alaala ang aking inaalala---
Kasama ka na magkahawak ang kamay
Kaya ba?
Kaya bang sabay tayong lalaban sa bagyo ng buhay?Ako'y nangungulila na sayo,
Sa bawat halik at yakap mo--
Sa init ng hawak mo---
Kaya ba? Kaya ba nating mag umpisa muli at huwag hayaang marating ang dulo?Ako kasi kaya ko,
Kaya ako'y umaasa na ikaw din ay kaya mo,
Siguro, sarado lang ang iyong sipan ngayon,
Ngunit hahantayin ko ang araw na kakayanin mo ng hawakan lahat, maghahantay ako tandaan mo yan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoesíaYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...