"Seen"
Ni:Camille Malate
Apat na letra
Isang salita
Pero marami ang nakakaranas
Na pilitin man na makatakas
Sa katotohanan na hanggang seen ka nalang sakanya
Ay hindi mo magawa
Dahil kahit nasasaktan ka ikaw ay umaasa
Umaasa na maibabalik ang lahat sa dati na masaya
Ngunit ikaw ay nagbabaka sakali
Nagbabakasali ka na hindi pa huli
Na may magagawa ka pa para mabalik ang dati
At maisalba ang kung anong meron kayo kahit pa unti unti
Pero sa bawat mensahe mo
Hindi siya nagrereply sayo
Pero iseseen niya ang message mo
At ipagsasawalang bahala niya ito
Pero kahit ganoon bakit pilit mo pa ring siyang ichachat?
Na kahit gawin mo na ang lahat
Wala parin sakanya
Na tila ba wala ka ng halaga pa
Siguro nga naglaho na ang kanyang pagmamahal sayo
At mayroon ng ibang babae na sakanya'y umaalulo
Ang sakit diba?
Na hindi na ikaw ang kachat niya.
Magchachat ka sakanya
Tapos iseseen niya
Tapos may makikita ka sa post ng kaibigan niya
Na nag comment siya
Tapos doon nag rereply siya
Pero sayo hindi na
Tapos ang puso mo ay kikirot
Hanggang sa lungkot na ang sayo'y bumabalot
Hindi kaba nag sasawa?
Sa kakachat sakanya?
Tapos seen kalang niya?
Hindi kaba napapagod ha?
Gumising kana
Dahil hindi sa habang panahon
Ikaw ay ganyan palagi sakanya
Dahil mas marami panaman na iba diyan
Na mas hihigit saknya
Makikita ang iyong halaga
Mamamahalin ka ng sobra
At higit sa lahat ikaw ang priority niya at hindi ka sineseen gaya niya
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...