"Kabataan ang pag asa ng bayan"
Ni:Camille Malate
Kabataan ang pag asa ng bayan
Ngunit taliwas ito saking naoobserbahan
Kabataan nga ba ang pag asa?
Hindi ko alam kung ang kabataan na katulad ko nga ba ang tunay na pag asa
Dahil karamihan sa mga kabataan ngayon ay wala ng pakialam sa bayan
Di ko nilalahat ngunit may iilan
Karamihan ngayon ay wala ng pakialam
Hindi na iniisip ang sakripisyo na inalay ng mga bayani upang makamit ang kalayaang inaasam
Tayo ngayo'y nakikinabang,
Ngunit tayo rin ay nahihibang
Nahihibang at inaabuso ang kalayaan na nalalasap
Na tila ba wala ng pangarap
Hindi kaba nahihiya?
Na isa ka din sa mga nakikinabang sa kaginhawahan?
Kaginhawan na hindi man lang nila naranasan?
Sana naman ay ating suklian
Ang kanilang paghihirap ay ating pahalagahan
Na ang ating bansa ay makakaahon
Mula sa kahirapan at kalupitan
Sana ang ating isipan ay maliwanagan
Na tayo nga ay ang tunay na pag asa ng bayan
Marami ang mga namatay sa digmaan
Upang tayo lamang ay mabigyan ng kalayaan
Ngunit ito'y ating binabaliwala
Hindi na natin nakikita ang kanilang mga ginawa
Kakaunti na lamang ang mga kabataan na makabayan
Na nagpapahalaga sa mga nagawa ng bayani para sa ating bayan
Sana'y huwag tayong maging mapang abuso
Dahil hindi inalay ng mga mandirigma ang kanilang buhay upang ika'y magloko
Ating patunayan na ang kabataan nga ang pag asa ng bayan
Kaya wag sana natin silang kakalimutan
Na utang natin sakanila ang ating nararanasan na kaginhawaan
Kung di dahil sakanila tayo ay nakakulong at alipin parin ngayon ng mga dayuhan
Pumanaw man ang napakaraming Pilipino ng dahil sa digmaan
Na nakipag sapalaran upang makamit ang kalayaan
Sana dumating ang araw na kahit sila'y wala na
Ang kanilang kaluluwa ang maging masaya
Dahil nakikita nila
Na ang kabataan nga ang pag asa ng bayan
Nahindi sila nagkamali na ibuwis ang kanilang buhay para sa ating bayan
Na ang bansang Pilipinas ay makakaahon
Magiging maunlad at makikilala saan mang panig ng mundo
Na ang Pilipinas ay naging malakas at hindi sumuko!
Mabuhay ang bansang Pilipinas!
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoezjaYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...