Binago Niya Ako

55 1 0
                                    

"Binago Niya ako"
Ni:Camille Malate
Noong hindi pa kita nakikilala
Ang buhay ko'y walang patutunguhan
Diko alam kung saan ba ang daan
Kung ano ba ang mali at tama,
Noong wala Ka pa sa buhay ko
Puro mura doon
Mura dito
At walang ibang ginawa kung hindi kalokohan
Pero nagbago ang lahat ng Ika'y nakilala ko
Binago mo ang buhay kong walang patutunguhan
Ako'y naligtas kahit makasalanan
Dahil ikaw ay aking tinggap sa aking puso
Noong una Panginoon
Ako'y nagaalinlangan
Naguguluhan
Ngunit sa huli ikaw ay akin parin pingkatiwalaan
Dahil akin din na pagtanto na tunay ka nga
Ang buhay ko'y nagbago
Ang dating kung saan saan gumagala
Ngayon ay sa simbahan na nagtutungo
Tunay nga na walang Impossible sa Diyos na ating Ama
Dahil ang impossible saatin ang posible sakanya
Ganyan siya makapangyarihan
Kaya't Panginoon ikaw po ay aking pinasasalamatan

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon