"Nakakapagod pala"

11 1 0
                                    

"Nakakapagod pala"

Hindi sa lahat ng pagkakataon---
Kaya kong ika'y intindihin
Napapagod din ako,
Tao lang rin naman kasi ako gaya mo,

Naawa ako sa sarili ko---
Palagi nalang akong nag hahantay sayo,
Diba dapat ikaw ang gumagawa non?
Pero bakit parang nagkabaliktaran?
Ngunit wala akong magagawa dahil ikaw ay mahal ko,

Napapagod na ako,
Ngunit ayaw kong sumuko
Dahil ako'y may binitawang pangako,
At akin iyong paninindigan kahit pagod na ako

Ilang buwan o taon ba ang aking kailangan?
Isa? Dalawa? Tatlo? Hanggang kailan? Hindi kita pipilitin,
Hihintayin kong ikaw ang bumalik saakin
Kahit alam kong kahibangan ito, ngunit ayaw kong ikaw ay sukuan

Nakakapagod palang umiyak sa tuwing naiisip ka
Nakakapagod ngunit aking tinatanggap lahat ng pighati
Tandaan mo kahit napapagod na ako, ayaw kong bitawan ka
Dahil naniniwala ako na darating ang isang araw na mahahawakan kong muli ang iyong mga kamay gaya ng dati.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon