Alaala

16 1 0
                                    

"Alaala"
Ni:Camille Malate
Habang ako'y nagmumuni-muni
Aking naisip kung hindi pa ba ako huli.
Habang ako'y nananabik
Sa iyong pagbabalik
Hindi ko maiwasan na balikan
Ang mga alaalang ating pinagsamahan
Gusto ko man ito'y mangyaring muli
Hindi na maaari dahil wala na ang meron tayo dati
Alam mo? Ang sarap balikan ang masasayang pangyayari sa ating buhay
Habang magkahawak ang ating mga kamay
Sa ilalim ng libo-libong mga tala
At tayo'y lalakad ng sabay
Sa gilid ng dagat at makikita sa mga mata ang ningning dahil sa tuwa
Ngunit ang lahat ng ito ay hanggang parte nalang nakaraan
Na hindi na mangyayari pa dahil kayo'y wala na
Na ikaw ay hanggang pagtingin na lamang sa inyong mga larawan
Dahil alam mo sa iyong sarili na wala ng pag-asa at ang ikaw at siya ay isa nalang alaala

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon