Tadhana

31 3 0
                                    


"Tadhana"
Ni:Camille Malate
Tadhana ang nagdesisyon na tayo ay magkita
Tadhana ang naging dahilan kung bakit ikaw ay aking natagpuan
Ngunit ako'y natatakot sa tadhana
Dahil ang tadhana ay mapaglaro at baka ako ang mapaglaruan
Noong una ayoko ko pangang aminin
Na ang tadhana ang ang may gawa
Ngunit pinatunayan ng tadhana
Na may darating at ibibigay siya na kagaya mo para saakin.
Hindi ko inakalang ako'y makakatagpo
Ng isang lalaking mamahalin ako
Pahahalagahan at tatanggapin ang buong pagkatao ko
Sa kabila ng maraming babae ang mas hihigit saakin dito sa mundo ako ang pinili mo.
Ang swerte ko, dahil ikaw ang pinagkaloob ng tadhana sakin
Alam ko wala akong karapatan
Ngunit dahil sa tadhana ako ay kanyang binigyan
Tunay nga na ang tadhana ay makapangyarihan.
Ngunit sa kabila ng ito'y makapangyarihan
Ito rin ay magaling makipaglaro
Dahil sa galing ng tadhana na makipag laro marami ang nabigo,
Marami ang umiiyak at nasasaktan
Ito ang kayang gawin ng tadhana,
Kaya ka nitong pasayahin ngunit maaari niya rin itong agad bawiin
Dahil sa kanyang laro, wala siya pipiliin
Gaano man katagal at katatag ang inyong relasyon basta pag ang gumalaw ay tadhana
Wala kang magagawa sakanyang laro,
Ganyang ang tadhana minsan madaya, minsan masaya ,
Ngunit kadalasan ay marami ang nabibigo
Dahil sa tadhana, marami ang mga matang lumuluha
Pero salamat sa tadhana,
Dahil binigyan niya ako ng gaya mo,
Hindi man ako handa na makipaglaro,
Pero gagawin ko ang buong makakaya ko upang labanan ang tadhana at mapanatili na tayo ay nagmamahalan ng masaya.
Gaano man ito kalupit,
Pipilitin ko paring kumapit,
Para lang sa ating pag-iibigan,
Upang ang tadhana ay hindi tayo maisahan.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon