mag tiis ako

10 0 0
                                    

"Magtitiis ako"
Ni:Camille Malate

Alam ko lahat nagbabago
Kaya aking hinahanda ang aking sarili
Sa mga di naasahang pangyayari
Tulad ng baka ikaw ay biglang maglaho

Natatakot ako,
Na baka magsawa ka
At wala akong magagawa
Dahil ayaw mo na sa gaya ko

Nakakalungkot na parang umiiwas kana
Hindi na kita kilala,
Hindi na ikaw yung dating ikaw
Kaya ngayon napapaos na ako kakasigaw---

Sa pangalan mo na hindi mo man lang marinig
Ganito ba talaga pag umiibig?
Gagawin mo ang lahat para lang hindi siya mawala?
Ibibigay lahat para lang hindi siya magsawa?

Nagiging utusan na ba ako?
Nagpapabulag ba ako?
O normal ito dahil nag mamahal ako?
Sana hindi ako sumuko

Hanggat kaya ko, mag titiis ako
Hindi ko kaya na mawala ka
Kaya sana pahalagahan mo ako
Sana wag mong baliwalain lahat ng pagtitiis ko para sating dalawa

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon