"Tigil na"
"Uy kamusta kana?"
"Namiss mo ba ako?"
"Wag mo kong iseen please?"
"Nasasaktan nako. Kelan kaya ako magiging masaya?"
"Bat di kana nawala sa sistema ko?"Malimit na katanungan sa aking isipan
Na umiikot lamang saaking utak dahil hindi ko kayang bigkasin
Dahil natatakot ako
Oo natatakot ako na malaman ang katotohanan mula sayo.Na okay ka lang talaga
Na hindi mo ako namiss diba?
Na iseseen mo ako dahil wala akong halaga
Na nasasaktan ako dahil kasalanan ko at hindi ako magiging masaya pag hindi ako tumigil na umasaAt hindi ako matatanggal sa sistema mo pag hindi mo pag hindi kita kinalimutan
Yan! Yan yung mga sagot sa katanungan ko na ayaw kong marinig mula sayo
Kaya hindi ko kayang itanong man lang at sabihin
Dahil natatakot ako! Oo Natatakot ako!Pero sa kabila ng takot ko na mawala ka
Ay ang pighati na nararamdam ko
Dahil nasasaktan at masasaktan ako dahil umaasa ako
Na magbabago ang ihip ng hangin at bumalik kaNgunit taliwas ang lahat ng iyon sa nais ko
Dahil tuluyan ka ng nawala ng hindi ko manlang namalayan
Dahil sa bawat pag seen mo
Ay ang unti unti mong paglisanHanggang sa ako'y iyong iwanan
Yung simpleng pag kamusta ko pala sayo
Ay wala lang pala ang ng iyon
Dahil kahit okay ka wala akong karapatan sayoDahil sa ngayon sapat na ang lahat
Tapos na ang pagiging aking matapat
Titigil na ako sa aking kahibangan
At unti unting mag momove on at ikaw ay aking kakalimutan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoesíaYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...