"Wala na, finish na"
Ni:Camille Malate
Eto akong muli
Hahawak ng lapis at ng papel
At isisiwalat ang aking pagmamahal
Na hindi mo kayang suklian dahil wala na, finish na ang meron tayo dati,
Wala na, finish na
Hindi na ako ang mahal mo,
Dahil may iba ka na
Yung mas higit saakin at tingin ko'y malapit sayo,
Wala na finish na
Pero eto pa rin ako
Kahit luhaan ay nakangiti pa ring naghahantay sayo
Pero kahit nasasaktan ako, mahal pa rin kita
Hindi ko alam bakit ikaw parin kahit hindi na ako
Ewan ko ba sa sarili ko
Masyadong nabubulag ng pag-ibig ko para sayo
Ano bang ginawa mo? Bat ako nagkakaganto
Wala na diba? Finish na?
Pero hindi ko kayang ifinish ang lahat
Dahil may pangako ako at kailangan ako'y maging tapat
Pero bakit ikaw! Hindi mo ata kaya?
Iniisip ko lang na
"Wala na,finish na"
Kahit hindi mo pa idinideklara
Wala e gusto ko advance ako mag isip para ako ay maging handa
Pero kahit dimo sabihin
Alam ko wala na, finish na ang satin ay namamagitan
Hindi mo na nga yata ako kayang kausapin
O sadyang ako na'y iyong nakalimutan?
Pero wala naman na akong magagawa
Desisyon mo yan at yan ang pinili mo
Pero kahit wala na, finish na
Hanggat kaya ko, maghihintay at mamahalin parin kita dahil ikaw ang sinisigaw ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...