"Larawan"

14 1 0
                                    

"LARAWAN"
Ni: Camille Malate

Kay sarap sa pakiramdam na balikan ang lahat ng meron tayo,
Kay saya sa pakiramdam na makita ang ating masasayang pinagsamahan---
Ngunit hanggang sa pagtingin nalamang sa larawan
Dahil unti unti ng nawawala ang iyong pagtingin---

Aking binalikan simula sa una
Ang saya pala natin noon?
Kitang kita ang pagmamahalan nating dalawa sa bawat larawan,
Bawat larawan ay maykalakip na sakit na tumatagos sa aking puso,
Dahil kahit kailanman, hanggang sa larawan nalang ang merong tayo

Nais kong ika'y balikan
Ngunit hindi na maaari kung kaya't sa mga larawan nalang ako tumitingin
Mga alaala nating dalawa na hanggang sa larawan nalang makikita,
At hindi na madadagdagan pa--

Sa bawat larawan ay nararamdaman akong saya at pag ngiti
Ngunit habang tumatagal ang aking titig
Ay may sakit na hindi ko maipaliwanag---
Napakasakit sa dibdib at ako nalang ay mapapahikbi

Alaala nating dalawa na hanggang larawan nalang
Larawan na habang buhay na mananatiling naka imprenta---
At tanging pag tingin sa larawan ang maari kong---
Ibaon sa aking puso't isipan na hindi na madadagdagan pa ang mga iyon dahil wala ka na.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon