"Basehan"
Ni:Camille Malate
Bakit ka nga ba nasasaktan?
Siguro ikaw ay umaasa aking kaibigan.
Ngunit bakit ka nga ba umaasa?
Dahil sa tingin mo mahal ka rin niya?
Siguro nga ikaw ay may basehan
Ngunit ito lamang ay isang basehan
Na hindi alam kung ito ba'y isang katotohanan
O isang lamang kasinungalingan
Dahil sa basehan mo lamang ikaw dumidipende sakanya,
Hindi mo nga alam kung ikaw ay mahal niya talaga,
Sabihin na natin na ipinararamdam niya na gusto ka niya
Pero nakikita mo ba na gusto ka talaga niya?
O baka naman nagpapadala ka sa mga mabubulaklak niyang salita?
Tapos ikaw ay kikiligin habang ito'y iyong binabasa?
Tapos ikaw pa'y tuwang-tuwa
Pero hindi mo ba naisip na baka ikaw ay bigla niyang iwan ng mag-isa?
Dahil hindi ka naman talaga niya mahal o gusto?
Dahil ang totoo ay may mahal talaga siyang iba
At hindi talaga ikaw ang nilalaman ng kanyang puso
Dahil ikaw lamang at isang laruan para sakanya
Tapos ikaw ay iiyak ng buong magdamag
At magmumukha kang kahabag habag.
Dahil sa basehan mo, yan tuloy ikaw ay nasaktan
Umasa at nahihirapan
Kaya sa susunod ikaw ay mag iingat na
At huwag kang dumipende sa iyong basehan
Dahil hindi mo hawak ang iyong kapalaran
Dahil sa huli ikaw parin ang talo sa inyong dalawa
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...