"Takbo"

6 0 0
                                    

"Takbo"
Ni: Camille Malate

Sinubukan kong habulin ka
Madaming beses kahit nadadapa
Hindi ako sigurado
Ngunit ako pa rin ay tumakbo

Nagbabakasali na mahawakan kitang muli
Ngunit sa pagbabakasakali
Ako'y nadapang muli sa pagtakbo
At kita ng aking mga mata, ang iyong paglayo

Bumagsak ang luha
Pilit na bumangon para habulin ka
Kahit masakit at mahapdi ang aking nararamdaman
Hindi ako tumigil na ika'y habulin

Ngunit ng ika'y aking maabutan
Masaya ka na pala ng hindi ko namamalayan
Napabuntong hininga at bumagsak ang luha ko,
Siguro dito na nagtatapos ang aking pagtakbo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon