Malaya

42 1 0
                                    

"Malaya"
Ni:Camille Malate
Pasensya kana, dahil ako'y susuko na
Dahil wala na rin namang pag-asa
Na maibalik ang kung anong meron tayo
Pasensya kana dahil napagod lang ako
Hindi ko na kayang maghintay sayo

Pinapalaya na kita,
Diba yan ang gusto mo?
Yung palayain kita?
Ngayon ibibigay ko na sayo

Alam kong masakit ang gagawin kong ito
Pero mas masakit kung patuloy parin akong aasa sayo
Aasa kahit wala ng pag-asa
O diba ang saya?

Aasa ako kahit alam kong walang pag-asa?
Kasi nga mahal kita,
Handa akong magpatanga para lang sayo sinta,
Pero anong ginawa mo?
Iniwan moko!

Tiniis ko ang lahat dahil mahal kita
Pero ano? Anong ginawa?
Ako'y iyong ipinagsawalang bahala
Kaya eto ako ngayon, nagdudusa

Nahihirapan na tanggapin na ako'y wala ng halaga
Na mayroon ng bagong nagpapasaya sayo
Alam mo?
Kahit ganoon? Ikaw parin ang mahal ko sinta,

Pero wala na,
Sumuko kana,
Kaya eto ako ngayon,pinapalaya ka,
Kahit masakit sa parte ko na wala kana,

Wala naman akong magagawa
Kung siya talaga ang mahal mo
Hindi na kita ipanaglaban pa dahil alam kong matatalo ako
Dahil ako lang mag-isa

Kaya anong laban ko?
Kaya  nga pinapalaya na kita dahil pagod na rin ako
Ayaw kong pilitin ang puso mo
Na mahalin ulit ako

Kaya sana naman,
Masaya kana diyan
Kasama ang babaeng iniibig mo
Kahit na ako'y isinantabi mo

Masaya parin ako,
Dahil binigyan mo ako ng pagkakataon
Na kahit minsan naging sayo ang puso ko
Huwag kang mag-alala hinding  hindi na kita guguluhin

Ano pang silbi ng panggugulo ko?
Kung makakasakit lamang ako?
Kaya mananahinik nalang ako
At aahong muli mula sa pagkakalunod ko.

Malaya kana,
Sana maging masaya ka,
Maging masaya kasama niya,
Kaya sana wag mo siyang sasakatan dahil alam kong mahal ka rin niya.
Kaya malaya kana

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon