Bilanggo

17 1 0
                                    

"Bilanggo"
Ni:Camille Malate
Hindi ko alam kung papaano ba kumawala
Sa mga tanikala na nakabalot sa aking puso
Na kahit gustuhin ko man ay hindi ko kaya
Dahil ang puso ko'y nabilanggo
Na hindi kayang makaalis
Dahil sa pagmahahal ko ng labis
Ang puso ko'y nabilanggo dahil sa pagmamahal ko.
At sa pagkabulag nito
Hindi ko na makita kung ang pagmamahal ko ba'y tama o mali
Dahil ang puso ko ay nababalot na ng kadiliman
Na nilalamon na din ng samu't saring emosyon at pighati
Sinubukan kong lumaya sa pagkabilanggo
Ngunit ng natanaw kona ang liwanag
Ako'y tumingin ulit sa aking likuran
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ako'y bumalik ng hindi ko alam ang paliwanag
Siguro masyado ng nalunod ang aking puso
Na hindi na nito kaya pang umahon
Dahil sa lalim ng aking pagmamahal na nararamdaman,
Na kahit hawak ko na ang kalayaan ay pinili ko pa din na mabilanggo
Sa aking pagkabilanggo diyan sa puso mo
Ang puso ko ay nakatanikala
Ngunit hawak ko ang susi upang makalaya
Pero mas pinipili ko pa din na mabilanggo
Kahit na puro kalungkutan, kadiliman, at walang pagmamahal ang aking nakukuha
Siguro ganito nga pag nagmamahal
Na kaya mong magtiis kahit marami ang pasakit at sagabal
Kahit na hirap na hirap kana
Pinipili mo pa din na makulong dahil sa pagmamahal na bumabalot diyan sa puso mong tanga
Siguro darating din ang araw na ako'y makakalaya na
Na kaya ko ng iwanan ang mga tanikala
Na nakabalot sa aking puso
At ikaw, ikaw ay akin ng lilisanin ng walang pangamba at pagkalito

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon