"Marupok"
Ni:Camille Malate
Oo na ako na ang mahina
Ako na ang nahulog ng basta basta
Napamahal ng wala sa plano
At higit sa lahat nagmahal ng sa internet lang nakilala.Ang rupok ko no?
Ang bilis kong mahulog at maattach sa taong nakilala ko lang sa social media
Hindi ko naman sinasadya
Biglaan lang ang lahat at ang pagkahulog ko sayo.Sa sobrang rupok ko
Sa mga matatamis na salita mo nahulog ako
Sa Pagpaparamdam na espesyal ako
At pagpapakilig sakin ay nabihag mo ang puso koPero diko naman inasahan na isa lang palang palabas ang lahat
Isang palabas na ang kwento ay kung gaano ako karupok na tao
Kung paano ako nasaktan sa palabas mo
Kung paano ko ginawa ang lahat at hindi parin sapatBawat kabanata ng palabas ay nakikita ko ang karupukan
Ang sakit isipin na marupok akong tao
Na sa matatamis lang nasalita ay nahulog na sayo
Pero ano nga bang magagawa ng puso ko kung nagmamahal lang naman ito at hindi na pinagisipan?Oo marupok ako!
Tama ka! Marupok ako!
Easy to get lang kaya napagtripan mo
Wala e marupok ako.Kaya eto ako ngayon
Nasasaktan
Umiiyak at nagagalit
Dahil sa kahit saglitNaramdaman ko ang kasiyahan ng puso ko
Hindi ko naman kasi inakala na mawawala ka
Akala ko kasi permanente kana
Saka ko lang naalala na impossible pala kasi lahat temporary lang sa mundo.Wala e ganito ako e. Marupok
Kaya ngayon talo at wasak
Wala e marupok kasi ako
Kaya eto ako ngayon sugatan ang puso
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...