"Paubos Nako"

13 1 0
                                    

Ni:Camille Malate

Konti nalang,
Malapit nakong mapuno
Konting-konti nalang
Pasuko na ako

Hanggat kaya ko pa
Hanggat meron pang natitira
Mananatili ako sa tabi mo
Kahit paubos na ako

Kahit paubos na yung pasensya ko
Kahit paubos na yung pag iintindi ko
Kahit malapit na akong maubusan ng gana
Sana gumagawa ka ng paraan para maayos ang problema

Paubos nako,
Baka hindi kita mahintay pa
Pasensya na
Tinulak mo din kasi akong maging ganito

Alam ko nakakainis na ang pangungulit ko
Wag kang mag-alala paubos nako
Malapit na ding lumayo
Wala ng manggugulo pa sayo

Paubos na ako,
Baka wala nakong maibigay pa sayo
Wag kang mag alala matatahimik kana
Dahil pag dumating yung araw na ubos na ako, di na ako mang gugulo pa.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon