"Luha"
Sa muling pagkakataon
Sumasariwa muli saakin
Sakit sa dibdib na hindi maintindihan
Luha ay hindi na rin mapigilan
Nasasaktan akong muli
At nais kong mawaksi ito bawat sandali
Ngunit puso ko ika'y kusang ginugunita
At ikaw parin kahit wala na
Ilang buwan na ang nakalipas
Luha ang siyang aking karamay
Di ko na alam gagawin ko sa buhay
Nababaon ako sa kalungkutan na labis
Sa muling pagbagsak ng aking luha
Nais kong iparating na
Sana masaya na kayo ng bago mo
Hindi na ako masasalita pa ng kahit ano
Masakit ngunit kailangan tanggapin
Na hanggang alaala nalang tayo
Sana itong mga luha na umaagos sa aking mukha ay mapalitan
Nang galak at ligaya sa aking puso
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...
