"Halaga"
Ni: Camille Malate
Maraming bumabagabag saakin na mga katanungun
Ngunit lahat ng aking katanungan ay hindi ko mahanapan ng kasagutan
Halaga? Ano nga ba ang halaga ko sayo?
Teka may halaga nga ba talaga ako para sayo?
Ang hirap nong ganito
Yung hindi ko alam kung ano ba talaga ang halaga ko
Dahil ako ay nangangapa ng mga kasagutan
Dahil ako ay naguguluhan
Yung totoo? Mahalaga ba ko sayo?
Ang sabi mo saakin mahalaga ako
Pero bakit hindi ko maramdaman?
Bakit hindi mo iparamdaman ang halaga ko para hindi ako nahihirapan?
Nahihirapan akong hanapin ang halaga ko
Ang sabi mo magtiwala ako
Na ako ay mahalaga sayo
Pero bakit anlabo?
Ang labo na ng tiwala ko
Dahil sa mga ipinapakita mo
Puro ka lang kasi salita
Kulang naman sa gawa
Sana aware ka,
Na may taong nangangamba
At nagiisip kung siya ba ay may halaga
Kaya sana kung ako ay talagang sayo'y may halaga
Iparamdam mo,
Hindi yung pinaasa mo ako
Dahil nakakapagod din ang maghantay at maghanap ng mga kasagutan
Kaya sana, sabihin mo na, hindi naman ako magagalit kung wala akong halaga para sayo, pero sana sagutin mo ang aking katanungan.
Na"May halaga nga ba talaga ako sayo?"
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...