Friendzone

38 1 0
                                    

"Friendzone"
Ni:Camille Malate
Isa ka rin ba?
Sa mga na friendzone tulad ko?
Ang sakit diba?
Na kaibigan lang ang turing niya sayo

Alam mo ba? Natatakot ako?
Alam mo kung bakit? Kasi baka pag umamin ako ika'y lumayo
Ang hirap pala?
Ang hirap pala na mag kunwari ka?

Magkunwari ka na kaibigan lang ang turing mo sakanya
Pero ang totoo higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman mo para sakanya
Odiba ang saya?
Ang saya na magkunwari ka.

Alam mo ba? Ngumingiti ako kahit nasasaktan ako
Dahil sa tuwing iniisip ko
Na kaibigan mo lang ako?
Parang dinudurog durog ang aking puso

Dahil wala akong magagawa para ipaglaban ang nararamdaman ko
Kasi nga kaibigan lang ang turing mo saakin
Ngunit huminto ang mundo ko ng iyong sambitin
Na mahal mo rin ako,

Ngunit, bilang kaibigan lang pala,
Alam kong malabong mangyri na maging tayo
Dahil magkaibigan lang talaga ang merong tayo,
Ang saya no?
Ang sayang mag friendzone ng kaibigan mo?

Masakit pero kailangan na tanggapin
Kahit nahihirapan pinipilit parin na tiisin
At indahin ang sakit na kaakibat ng aking kagustuhan
Kagustuhan na ika'y aking mahalin

Kahit na friendzone ako,
Hindi kita iiwanan
Dahil iyan ang pangako natin sa isa't isa na dapat hindi mapako
Mahal kita kaibigan yan ang iyong tatandaan

Kahit anong mangyari ikaw parin ang akingg iibigin
Kahit bilang kaibigan lang ang turing mo saakin.
Siguro nga hanggang dito nalang ang maaring maging tayo
Magkaibigan lang at wala ng magbabago.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon