"Andito lang ako"
Ni:Camille Malate
Kamusta kana?
Ilang araw na din ang nakakalipas ng huli tayong nagkausap
Ano ng nangyayari sayo ha?
Bakit ikaw ay nagiging ng mailap?
Andito lang naman ako pag ako'y kailangan mo
Huwag kang mahihiya na lumapit dahil ako naman ay kaibigan mo
Pero bakit kahit andito naman ako
Di mo parin ako nilalapitan gaya ng sabi ko sayo?
Ayaw mo ba na sabihin ito saakin?
O hindi mo lang talaga kaya dahil marami kang kailangan pang isipin?
Pero andito lang naman ako
Na handang makinig sa mga dinadaing mo
Tandaan mo kahit anong mangayari sayo
Through ups and downs mo
Andito ako para sayo
Na dadamayan ka, at kasama mo na iiyak dahil sa problema mo
Kaya wag kang mahihiya na lumapit saakin
Para sabihin ang bumabagabag sa kalooban mo
Dahil tandaan mo kaibigan kita hindi ka iba saakin/saamin
Basta andito ako sa tabi pag kailangan mo na tulong at masasandalan pag hindi mo kayang sarilinin ang problema mo
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...