Payat

54 2 0
                                    

"Payat"
Ni:Camille Malate
"Isang ubo kanalang"
"Mukha kang tingting"
"Para kang palito"
"Tumba ka pag nahanginan ka"
"Ang payat mo"
Alam niyo?
Nakakasawa ng marinig ang mga salitang iyan
Nakikita niyo naman na payat ako
Pero inyo pang sasabihin
Oo alam ko payat ako
Pero sana naman wag niyo akong pagkatuwaan
Ayus lang naman sakin na ulit ulitin niyo na sobra ang aking kapayatan
Pero wag naman yung sobra at nakakainsulto
Kasi kahit ganito ako
Tao parin ako, hindi ako manhid para hindi makaramdam
Nasasaktan din ako
Kahit na nakangiti ako, ako parin ay nakikiramdam
Nakikiramdam sa mga sinasabi niyo saakin
Na tila ba ako'y inyo ng ginagawang katatawanan--
Sa harap ng inyong mga kaibigan
Mahirap na ang magsalita kahit na ako'y nahihirapan
Dahil baka pag ako'y nagsalita
Ako'y inyong kamuhian at ako'y inyong sasabihan ng masama
At ako'y inyong iwanan ng mag-isa
Payat na nga ako tapos ako nalang mag isa
Kaya naman mas pinipili ko nalang na maging tahimik
Kahit na ang puso ko'y puro tinik
Dahil nagtitiis ako
At pinapakita ko naayus lang ako
Ngi-ngiti ngiti ako
Pero sa loob ko nabwibwisit na ako
At gusto ko ng magreklamo
Dahil nakakasakit na kayo,
Hindi man pisikal na anyo
Pero emotional ako nasasaktan,
Kaya please lang respeto naman
Kahit na payat ako, di niyo dapat ako pagkatuwan dahil ako din ay tao

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon