"Nasaan Kana"
Ni:Camille Malate
Mahal ? Nasaan kana?
Bakit ako'y iniwan mo?
Paano na ang mga pangako mo?
Ang sabi mo saakin tutuparin natin ito ng magkasama?
Pero mahal? Nasaan ka na?
Bakit wala ka pa?
Bakit napako ang lahat ng pangako mo?
Isa pa, ang sabi mo hindi mo ako iiwanan dahil ako ang mahal mo?
Pero MAHAL NASAAN KANA?
Bakit nasa piling ka na ng iba?
Saan ako nagkulang ha?
Nagkulang ba ako ng pag-mamahal na ibinibigay ko para sayo ha?
Para maghanap ka ng iba?
At yan? Yan ba ang igaganti mo sa pagmamahal na binigay ko?
Katapos lahat ng pagsasakripisyo ko?
Katapos kong intindihin ang sitwasyon mo?
Akala ko nga nung una, kaibigan mo lang siya,
Pero bakit inahas niya ako?
Bakit ka nagpatuksoo!???
Masyado kang nagpabulag sakanya!!
Ngayon NASAAN KANA?!
Bat nagtatago ka?
Alam mo lahat ng sinabi mo pinagkatiwalaan ko!
Dahil ang akala ko, ikaw na, ikaw na ang lalaking makakasama ko
Pero nagkamali ako,
Lahat ng sinabi mo tinandaan ko,
Kaya ngayon NASAAN KANA?
Bakit hindi mo mapanindigan ang nga sinabi mo saakin nung tayo'y magkasama pa?
Ang sabi mo hindi mo ako sasaktan!
Pero ano to? Ano tong ginagawa mo sakin ngayon?
Hindi ba sinasaktan mo na ako?
Kaya NASAAN KANA??!!
Isa pa, sinabi mo noon sakin diba
"Isang tawag ko lang sayo andito kana sa tabi ko?"
PERO BAKIT NASAAN KA NA?
Bakit wala kapa rito?
Madalas ako'y sumisigaw
At ang hinahanap ko'y ikaw
At para bang ako'y uhaw
At ikaw ang isinisigaw ng puso kong ligaw!
Pero NASAAN KANA? Bakit wala kapa!!
Nagsisisi ako bakit ikaw pa!
Ikaw pa ang minahal ko at bakit hindi nalang ang iba?
Bakit ganito ang tadhana?
Bakit ako pa ang napili nitong pagluruan
Bakit ganito ang parusa na natanggap ko?
Nagmamahal lang naman ako
Pero bakit ganito ang parusa saakin?
Hindi na ako aasa na babalik kapa
Kahit na hinahanap kita
At nagtatanong kung Nasaan Kana
Pero anong mgagawa ng pagmamahal ko kung iba ang laman ng puso mong salawahan at di makuntento sa isa?
Pero sana magpaliwanag ka
Hindi yung nagtatago ka
May hinanakit ako para sayo pero wala naman akong magagawa
Kaya sana pag hinahanap kita kung nasaan kana, lumitaw ka hindi yung para kang kriminal na nagtatago sa iyong sala,
Huwag kang magaalala
At huwag kang matatakot na magpakita
Dahil kahit na wasak na ako
Hindi ko kayang saktan ka dahil ikaw parin ang nasa puso ko
Kaya please? Nasaan kana?
Sana bumalik ka
Para mag kaayos tayong dalawa
Hindi ko naman na hihilingin na balikan mo ako, ang gusto ko lang naman ay magpakita ka dahil nakakapagod ng maghanap kung Nasaan kana.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoetryYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...