Oras

24 2 0
                                    

"Oras"
Ni:Camille Malate
Ang hirap mamalimos ng oras sayo
Palagi ka nalang abala at inuuna ang iba bago ako
Tila ba wala na ako para sayo,
At hirap na akong makakuha ng atensyon mo
Hindi ko alam kung sadya ba iyon
O talagang wala ka lang oras para sakin
Dati kung tayo'y mag usap ay palagian
Ngunit anong nangyari ngayon?
Kahit katiting na oras mula sayo wala na
Kahit na palagi akong nagpapadala ng mga mensahe sayo
Hindi kana tumutugon agad kahit online ka
Hindi ko alam anong nangayari bakit ka nagbago
Gusto man kitang kausapin
Hindi ko kayang gawin
Dahil alam ko hindi ka naman tutugon
Dahil abala ka at wala ka ng oras para saakin
Ang hirap nito
Yung mamalimos ng oras sayo?
Akala mo ba hindi ako nasasaktan?
Akala mo wala lang ito saakin?
Nagkakamali ka!
Dahil sa tuwing makikita ko na ikaw ay online at nagrereply sa iba
Parang pinapatay nito ang puso ko ng pakonti konti
Dahil sa oras mo ako ay mayron ng kahati
Kaya pala hirap akong makakuha ng oras mula sayo
Kung dati araw-araw tayong magkausap
Ngayon kahit  konting segundo 
Sobra ka ng mailap
Ngunit kahit wala ka ng oras para saakin
Umaasa pa din ako na kahit kaunti lang na oras mula sayo
Ay ako'y iyong muling mabibigyan
Kahit na alam kong wala ng pag-asa dahil nasa iba na ang atensyon mo

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon