"Nag give way ako, pero mahal kita"
Ni: Camille Malate
Dedicated sa mga nag give way sa mga taong mahal nila pero sa huli sila pa din ang pinili nila.
Hindi ko alam kung saan na ba ako lulugar sayo
Kaya mas pinili ko nalang na lumayo
Pero bakit ganon?
Ako'y nahihirapan?
Ang hirap nung araw-araw kitang nakikita
Pero hindi kita kayang lapitan o kausapin ka
Dahil baka pagnilapitan kita magseselos yung bestfriend mo
Na may gusto din sayo
Kaya eto ako binigyan siya ng pagkakataon sayo
At ikaw ay hindi ko ipinagkait
Sino ba naman ako para ikaw ay ipagdamot?
Kaklasi mo lang naman ako na nagmamahal sa tulad mo
Alam ko ikaw ay mayroon ding pagtingin saakin
Madalas kitang nahuhuli na sumusulyap sakin
Lalo na pag magkakasama kami ng tropa sa silid aralan
Tapos ikaw ay nag iisa sa isang tabi at malayo sa amin
Nahihirapan akong nakikita kang ganon
Hindi ko lang pinapahalata pero ang sakit talaga nito para saakin
Mahal kita pero kailangan kong ikaw ay iwasan
Hindi ko din maintindihan bakit ganon ang aking desisyon
Kaya nung minsang nag usap tayo sa chat
Hindi ko alam ang aking isasagot
"Nagseselos ka ba sakanya?"
Yan ang tanong mo saakin diba?
Nang mabasa ko yan,
Ilang beses kong pinagisipan
Nagseselos ba talaga ako?
O pinababayaan ko lang talaga ang bestfriend mo na maka score sayo?
Hindi ko alam! Nagugulamihanan ako.
Kaya pasensya kana kung di kita masagot agad
Dahil sa totoo lang, nahihirapan ang puso ko
Mahal kita pero kailangan pang maghintay at natatakot ako na baka ikaw ay mapagod.
Gabi-gabi, araw araw kitang iniisip
Akala ko nga malabo na ikaw ay magkagisto saakin at ikaw lang ay aking isa sa mga panaginip
At hindi ko inakala ngayon na Abot kamay na lang kita
Pero hindi ko kayang abutin ang mga kamay mo sinta,
Kahit sobrang lapit na
Hindi ko kayang hawakan
Dahil ako'y nangangamba
Na baka pag inabot kona ang kamay mo, yung bestfriend mo ay masasaktan
Kaya please wag kang magalit o kaya'y magtampo
Sana maghintay ka lang muna
Dahil naghihintay pako ng pagkakataon at ng tiempo
Kaya sana maniwala ka at mag tiwala
Dahil kahit bago pa lang tayong nagkakilala
Ikaw na ang pipiliin ko
Kahit anong mangyari ikaw parin ang mahal at laman ng puso ko
Kaya sana patawarin mo rin ako, at wag kang magsasawa
Sa ngayon, mag enjoy muna kayo ng bestfriend mo
Hayaan mo siyang siya muna ang magpasaya sayo
Dahil inihahanda ko lang ang aking sarili
Upang sa ating muling paghaharap hindi ka na mag aalinlangan dahil ikaw na ang aking pinipili.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PoesíaYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...