IMAGINATION 01

258 13 0
                                    

• CHAPTER 01 •

So pano ko ba sisismulan ang storya ng buhay ko? Siguro mag simula tayo sa pangalan ko.

Ako si Lovelle Ponce isang chaka na nangangarap ng perpektong boypren pero dahil sa chaka nga ang bida niyo hanggang imagination na lang ang boypren kong ito.

"Love..." Malanding lumingon ang ate niyo dito sa gwapo kong boypren at syempre mangangarap na nga lang ako eh, itodo na natin!

Napatitig ako dito sa kaharap kong imaginary boyfriend ko na pinangalanan kong Daze Pascua, sa totoo lang e, his a real man na nag eexist sa mundong ito, pero di ako nag eexist na mundo niya. Ahhhhhh!

So ayun na nga, titig na titig sakin itong imaginary boypren ko at halos malaglag panty ko sa kilig!

"Love, enebe kenekeleg ake..." Pabebeng sabi ko at marahan siyang itinulak.

Natawa na lang siya sa inarte ko. Naupo siya sa kama ko at tinitigan ako. Nako nako! Wag mo ko matitigan nang ganyan! Baka malapa kita diyan!

"Love, your sexy.." Malanding puri nito. Aba! Aba! Nilalandi pa ko ng isang 'to ha?!

Nagulat ako ng bigla na lang siyang dumamba sakin na naging dahilan ng pagkabagsak ko sa kama.

Ayy!!! Anlande talaga! We are staring eye to eye ng mapatingin siya sa lips ko. Owww! Daze wag kang malande!

Nag kagat labi siya kaya na seseduce ako sa ginagawa niya. Di ko na napigilan ang sarili ko at nilapa na ang labi niya.

Napapikit pa ko dahil feel na feel ko na yung halik, jusko! Ang landi talaga ng boyfriend kooo!

"ATE!" Nagmulat ang mata ko dahil sa sigaw na narinig ko at pag dilat ko wala ng Daze sa harap ko at itong baboy kong kapatid ang nakita ko.

"Mukha kang asong *lol diyan.. Kadiri o, tulo laway pa!" Sabi nito. Napabangon ako at pinunasan ang laway na nag kalat sa gilid ng labi ko.

Grabe ha? Nadala ko doon ha. Tinignan ko ang baboy kong katabi ng masama. "Ikaw baboy ka! Bakit ka ba pasok nang pasok sa kwarto ng di man lang kumakatok!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Ngumiwi lang siya. "Bakit ate, may ginagawa ba kayo ng IMAGINARY BOYFRIEND mo?" Tanong niya at talagang pinagdiinan niya talaga ang IMAGINARY BOYFRIEND! Tss..

"Hay nako! Ikaw na baboy ka! Lumabas ka na nga sa kwarto ko! Tsaka bakit ka ba kasi nandito?" Inis na sigaw ko.

"Kumain kana raw sabi ni Mama." Sabi niya at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Napahiga na lang ulit ako sa kama ko.

Epal talaga yung baboy na yun kahit kailan.

-.-

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now