IMAGINATION 31

56 7 0
                                    

• CHAPTER 31 •

"Anong sumapi sayo at ngiting ngiti ka? Ganyan ka ba ka excited?" Tanong nito sakin. Kanina pa kasi ako nakangiti dahil sa pag tawag sakin ni Daze bebe ng Love..

Kinilig ako pero napaisip ako, baka naman tinawag niya lang akong Love dahil sa Lovelle ang pangalan ko at ang nickname ko ay Love.

Bumagsak naman ang labi ko, hay, ang assuming ko talaga, di ko man lang yun naisip kanina? Eh kakakilala pa nga lang namin love agad? Hmp.

"Oh, mood swing? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Nakangising sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Nauna na kong nag lakad at iniwan siya.

Nakakainis yun! Pag sa bahay katahitahimik at snob! Pero pag sa labas ang ingay at mapang-asar! Tss! Pero mas okay na sakin yung ganito siya. Sa ganito ko sanay—

"Hoy! Lumagpas ka na!" Tawag sakin nito. Nilingon ko siya at tinignan ang pintuang nasa harap ko.

GAS 12- A

Napabuntong hininga ako at tumakbo na lang papunta sa kanya, nakatayo kami ngayon sa harap ng gray na pintong ito.

GAS 12- B

Huminga muna ako ng malalim bago mag balak na kumatok, gash! Kinakabahan ako!

"Psh. Bagal." Nagulat ako ng malakas na kumatok itong si Heart kaya nilakihan ko siya ng mata. Siraulo ba 'to?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang nasa 50's na babae at mukha pa itong mataray. Bigla akong nawalan ng dugo sa mukha.

Buti na lang at nag light make up ako kaya di mahahalata. Umatras ako ng isang hakbang.

"Mr and Ms. Argebaht?" Tanong niya, bigla siyang ngumiti. "Come in, Come in.." Masiglang sabi nito. Naunang pumasok si Heart at dinig ko agad ang impit na sigawan ng mga babae.

Nahihiya na lang akong pumasok at humarap sa mga bagong kamag aral ko na mukhang mayayaman.

"My gash! He's handsome!"

"Yea, I know right!"

"But who's this girl? His sibling?"

"Sibling? Hello? Mukhang mag kasing tanda lang sila oh!"

"Maybe twins?"

"No? I don't think so, di sila mag kamukha."

"Or his girlfriend?"

"Gash no way!"

"Hell no!"

"Maybe they're just strangers!"

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now