IMAGINATION 15

71 8 0
                                    

• CHAPTER 15 •

Pinanood ko lang siyang ayusin ang sapin sa damuhan, inihanda niya rin ang mga pagkaing dala niya.

Teka? San ba galing yang nga yan? Tsaka balak niya pang magpicnic ngayon?

"Lovelle!" Tawag niya sakin mula sa baba. Napasimangot ako, wow ha? Kala niya close na kami para tawagin niya ko sa pangalan ko?

Tss. I don't even know him, at kung tatanongin ko siya, e malamang manyayare nanaman ang inaasahan ko.

"Tara dito!" Yaya niya. Saglit ko muna siyang tinignan bago tumayo. Kahit na ayaw ko, para namang nagkaroon ng sariling buhay ang paa ko at nag lakad papunta sa lugar kung nasan siya.

"Anong pakulo 'to?" Agad na tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Malawak siyang ngumiti.

"We're having a picnic!" Masiglang sabi niya. Nangunot ang noo ko. Ano naman kaya ang pumasok sa isip nito.

Hinawakan niya ang wrist ko at hinala ako pababa para makaupo sa hinanda niyang sapin.

Agad ko naman naramdaman ang mga damong tumusok sa binti ko ng maupo ako doon, napatingin ako sa harap ko na nakaupo rin at masiglang hinahanda ang pagkain namin.

Seriously? Di ba siya na ngangate? Nakashorts lang din siya at impossible na di niya maramdaman ang damo na 'to.

He's really...

"Oh, tikman mo 'to. Masarap yan." Alok niya at iniabot sakin ang kulay yellow at malambot na pagkain, meron pa itong kung anong syrup sa paligid.

Taka ko siyang tinignan. "Ano 'to?" Tanong ko. Nangunot ang noo niya saka ngumiting muli.

"Seriously? Di mo alam yan?" Tanong nito. Naiinis ko siya tinignan.

"Mag tatanong ba ko kung alam ko yan?" Inis na tanong ko. Tinawanan niya lang ako.

"Leche plan yan. Tikman mo, masarap yan." Nangunot ang noo ko. Ano daw? Leche plan?

"Ano? As in leche na plano?" Takang tanong ko. Weird name. Nagulat ako ng bigla na lang siyang natawa.

"You know what? Kumain ka na lang diyan." Sabi niya at isinubo sakin ang isang kutsara nun.

Tinignan ko lang siya dahil sa ginawa niya. I've never experience this in my whole life! Itong subuan ako ng isang tao? Gad! Sa imagination ko lang 'to nanyayare!

"O ano? Wala kang balak ngumanga?" Nakangiting tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinubo ko parin ang leche plan na yun, at halos makalimutan ko na ang pangalan ko sa sarap ng pagkaing iyon.

Seriously? Bakit di ko pa 'to natitikman sa buong buhay ko??

Napako ang tingin ko sa leche plan na hawak ngayon ni ash gray hair. Mabilis ko iyong inagaw at inubos iyon ng mabilisan.

Agad akong napatingin sa lalakeng tawang tawa sakin ng maubos ko iyon. "You know what, you're cute." Puri niya muntik ko ng ikasuka.

Ano daw?! Ako cute??? Seryoso ko siya tinignan. "I mean it." Nakangiting sa niya, pero di yung ngiting playful, kundi yung ngiting sweet.

Tinignan ko siya ng maiigi at hinanap ang pag bibiro sa mukha niya pero wala akong makita.

So seryoso siya? This is the first time after 8 years na marinig ko ang isang taong sabihan akong cute.

Kasi 8 years old pa ko ng huli akong nasabihan nito eh. "Stop day dreaming." Sabi niya.

Hinawakan niya ang wrist ko at sabay na tumayo kaya napatayo rin ako, hinila niya ko papunta doon sa may heart na kite.

Binitawan niya ang wrist ko at dinampo ang kite na kanina ay nakahiga lang sa damuhan. Inayos niya ang tali upang tumaas ang pusong saranggola sa langit.

Parehas kaming nakatingin doon at hinihintay iyong lumipad. Lumakas ang hangin na naging dahilan ng pag lipad nh pusong saranggola, masaya siyang nag tatatakbo habang hawak ang pusong saranggola sa langit.

Pinanood ko lang siyang gawin iyon. Masayang masaya siya sa ginagawa niya ngayon.

Tinitigan ko siyang maigi, at agad akong napanginti ng makita ang saya sa mukha niya.

You're happy doing just a little things.

*******

Sabay kaming umakyat ni ash gray hair papunta dito sa taas ng park, kung nasan ang duyan.

Hingal kaming umupo doon dahil sa ginawa naming paghahabulan.

Masaya ko siyang tinignan at ganun din ang ginawa niya. "Hey ash gray, thanks for cheering me up. You did well.." Puri ko sa kanya.

"That's good to know." Masayang sabi nito.

"And also, thanks for letting me borrow your shirt to wipe my tears for my stupid reason." Nakangiting saad ko. Nangunot ang noong tumingin siya sakin.

"Thanks for comforting me, kanina.. Thanks for doing that. Di ko na siya maalala sa ngayon." I said.

"P-pano"

"I know what you did ash gray..." Simpleng ngiti ang binigay ko sa kanyang na lilitong mukha..

"And I also know, that you're not just a ordinary human like me..."

Napatingin ako sa kalangitan ng biglang kumidlat ng malakas. Unti unti, bumagsak ang maliliit na butil nang tubig sa mukha ko.

Nakangiti kong ibinalik ang tingin ko sa duyang kaninang inuupuan niya. Lalo kong napangiti. Wala na nga siya pero may iniwan naman siyang payong at isang baunang leche plan.

Napailing ako.

He's really something..

^o^

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now