IMAGINATION 07

80 8 0
                                    

• CHAPTER 07 •

Bigla akong napatayo ng walang pag aalinlangan, di ko man lang naisip kung may tao pa ba dito o wala na at sa kamalasmalasan nga naman ay nauntog pa ko.

"Oh, ayos ka lang?" Tanong niya sakin, napahawak na lang ako sa ulo ko at tinignan siya. Naku! Pag di pa ko lumayo baka ma...

Umalis na ko sa ilalim ng lamesa at iling iling na tumayo, bakit ko ba naisip ang bagay na yun? Ni di ko nga alam ang pangalan niya. Tss.

"Bakit mo ba ko hinatak?" Tanong niya, di ko siya hinarap dahil baka ma tempt akong gawin ang balak ko.

Di ko siya sinagot at nanatili na lang na nakatalikod sa kanya pero bigla na lang pumasok sa isip ang tanong kong 'pano siya nakapasok dito kung nakalock ang pinto?'

Oo nga naman? Bakit di ko naisip yun kanina pa? Mabilis ko siyang hinarap upang itanong ang mga katanungan sa isip ko pero pag lingon ko sa likod ko ay wala na siya.

Anak ng?? Panong nakaalis yun? Ni wala kong narinig na ingay sa pagkawala niya? Sabihin niyo nga sakin, alien ba siya?

"Baka nga love.." Napatingin ako sa tabi ko kung nasan si Imaginary Daze. Nailing na lang ako, mabuti na lang at umagree si Daze sakin.

"Di ka pa ba late sa science niyo love?" Tanong ni Daze at mabilis na siyang nag laho pagkasabi niya nun. Tumakbo na ko palabas at di ko man lang naisipang ilock pa ang pinto, he nako bahala na.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa tapat ng room namin, mabilis ko iyong binuksan at napatingin sakin lahat ng kaklase ko.

Matalas ang mga tinging binigay sakin ni Mam na siya ikinakaba ko.

*****

"Ms. Ponce, now tell me kung bakit ka late sa klase ko..." Sabi ni Mam na naka cross arms at masama akong tinititigan dito sa labas ng classroom.

"Eh kasi po—"

"And you're late for almost 20 minutes so don't tell me a stupid reasons.." Masungit na sabi nito.

Tss. No choice ako kundi sabihin ang nakakainis na naiisip ko, e ayaw ko din kasing mabugbog ni Berna—este ni Mama Berna.

"A-ah kasi po emergency..." Nahihiyang sagot ko, nangunot naman ang noo nitong tinignan ako.

"What emergency? Huh? Impossible namang family emergency yan dahil Mr. Ponce is still here." Sabi nito. Napakamot ako sa ulo ko.

"Eh kasi po mam, sumama ang tyan ko nanina kaya nag labas lang ako ng sama ng loob kaya"

"Okay, okay, Stop.. I understand now okay, sige na. Pumasok kana.." Halos mandiri si Mam sa dinahilan ko. Kaarte naman.

Pumasok na lang ako gaya ng sabi niya, mabuti na nga lang at gumana ang pagsisinungaling ko.

Umupo ako sa gitna ni baboy at Gritch at sakto ring pag upo ko, sabay silang nag tanong. "Anong dina—"

Sabay din silang nahinto ng mapansing nag sabay sila, palihim akong napangiti. Nakita ko ang pagtitigan nilang dalawa sa kaharap ko.

Nako! Itong dalawang ito, di pa magkaaminan alam ko namang gusto nila ang isa't isa.

Napatikhim ako at agad sakin nabaling ang atensyon nila. "Okay, pwede bang wag kayong mag titigan sa harap ko. Kasuka eh." Maarteng reklamo ko.

Masama akong tinignan ni Baboy. "Sa tingin mo sa mukha mo di ako nasusuka?" Asar na tanong niya. Aba?! Napatingin ako ng masama kay Gritch na tumawa pa! Hmp! Ang sama nila!

Di ko na lang sila pinansin at baka mainis pa ko, grr!

-_-.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now