IMAGINATION 50

45 5 0
                                    

• CHAPTER 50 •

"Ate! Bilisan mo naman! Late na tayo oh!" Sigaw ni Heart mula sa labas ng kwarto ko, binilisan ko na ang pag bihis, di ko na nga muna naisuot ang vest ko eh.

Binitbit ko na lang iyon at dali daling lumabas, sabay kaming tumakbo ni Heart papunta sa kotse.

"Tss. Dami kasing tulog." Reklamo ni Heart. Inirapan ko lang siya at tumingin sa labas ng sasakyan.

Inis na inis talaga ako kay Ash Gray! Lintek yung isang yun! Pinaghintay ako!

Pero for some reasons.. Naisip ko rin, bakit ba ko nag hintay? Di naman niyang sinabing pupunta siya?

Aish! Basta! Di ganyan ang gusto kong imaginary husband.

"Uy, anong iniisip mo?" Nakaramdam ako nang pangangalabit, nung una ay akala ko si Heart lang iyon pero nung kilalanin ko ang boses agad akong napalingon, at hayun! Nakita ko ang mokong, inosenteng nakatingin sakin.

Bwiset ko siyang tinignan. "CHE!" Sigaw ko sa kanya then bigla siyang naging transparent at tumagos ang tingin ko, but still nandito parin siya.

Nakita ko rin ang kunot noong reaksyon ni Heart kaya mabilis akong lumabas nang kotse. Mabuti at nakatigil at traffic, malapit na rin naman ang school kaya tinakbo ko na ito.

Hingal din ako nang makarating ako, kung kanina sinabi ko na malapit lang ngayon ay sising sisi ako na tinakbo ko lang, and late na ko lalo! Alam ko ring mas nauna na sila Heart sakin. Kainis!

Pinunasan ko muna ang pawis ko bago tuluyang pumasok sa gate. Binati pa ko ni manong at nginitian ko lang siya, kung dati ay ayaw ako papasukin niyan ngayon kahit late na ko eh okay lang.

Mabilis ako umakyat dahil pansin kong ako na lang ang tao dito hanggang sa naramdaman kong may kasunod ako, nung una ay akala ko si Ash yun pero pag lingon ko, si love of my life ang nakita ko.

Napansin niya rin ako kaya nginitian niya ko. "Uy! Good Morning, Love." Bati niya. Ngumiti ako at huminto.

Mabilis niyang inakyat ang hagdan hanggang sa makarating sakin. "Ah, good morning din, Daze." Sabi ko. Ngumiti siya nang mas malawak.

I really don't know kung bakit sinabihan nilang suplado ang isang ito. "Late ka na rin huh?" Sabi niya. Nag simula na kaming mag lakad.

"Ah, yea.. Napuyat kasi ako kagabi eh. Kaya nalate nang gising." Sabi ko. Tumango tango siya. "Eh ikaw, bat ka late?" Tanong ko.

"Ah, student council.. Ako kasi ang temporary President ng SC dahil wala pa yung president nito." Sagot niya. Tumango-tango lang ako.

Napatingin siya sakin from head to toe. Na conscious naman ako kaya napayuko ako.

"Your not wearing a complete uniform huh?" Sabi niya. Napatingin ako, nakangisi siya.

"Ah, yea. Nagmamadali kasi ako kanina." Sabi ko. Napaiwas tingin siya.

"You look hot.." Bulong niya na di ko narinig. Napakunot noo ako.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now