• CHAPTER 05 •
Wala kong imik na nakatulala dito habang nag hihintay ng almusal, halos di nga rin ako makatulog kanina dahil na rin sa pag iisip ng bagay na impossible.
Yung nakita ko kagabi, nakakapagtaka, alam kong totoo siya, nahahawakan niya ang mga bagay bagay, nabasag niya pa nga ang maliit na salamin ko sa kwarto eh at isa pa, nahawakan niya ko!
Nararamdaman ko siya, naririnig at nakikita! Di ko siya makontrol kaya impossible na galing siya sa imahinasyon ko.
At alam kong di rin siya multo dahil na hahawakan niya nga ako! At ang nakakatakot pa eh bigla na lang siyang nag lalaho na parang bula! Anong klaseng nilalang ba siya?
"Hoy Lovelle! Umiiral nanaman yang imaginasyon mo na yan! Nako nako! Tigil tigilan mo na yan Lovelle ha!" Sabi ni Mama ng ihanda ang almusal sa harap namin.
Napanguso na lang ako at nag simulang kumain, napatingin ako sa kapatid ko na tahimik lang na kumakain. Mabuti naman at naisipan na niyang pumasok, tss.. Katamaran kasi, atsaka mabuti narin yung pumasok siya ng di lang ako ang mapagalitan ni Mam.
Sa totoo lang di ko nasasabi na KAMBAL ko 'tong baboy na 'to! Mas matanda lang ako sa kanya ng 2 minutes at sa totoo lang di siya mataba!
Ang lupet nga lang at di siya tumataba kahit na kain ng kain itong baboy na 'to, at sasagutin ko na rin ang tanong na nasan ang tatay namin.
Nandoon lang naman siya sa kung saan at iniwan si mama! Dating OFW si mama at nainlab pa sa kano, never pa naming nakita ang papa namin sa personal pero sa picture oo! At talaga nga naman! Naka jackpot si mama dahil ang pogi ng aking tatay!
Nag mana ako kay papa na may maputing balat, blue na nga mata at pinaghalong brown at blonde na buhok, oo ngayon ko lang nabanggit pero anong akala niyo maganda ko? Utt! Mukha kong tigyawat na tinubuan ng mukha! Ang chaka ko kaya!
Habang itong si Heartler medyo biniyayaan sa totoo lang gwapo siya at maraming nagkakagusto sa kanya, may dark brown siyang buhok, blue na mata at kayumanggi ang kulay ng balat, at ang nakakainis doon ay kambal nga kami pero siya itong makinis ang mukha! What thu?! Ang malas ko ba?
"Anong tingin nanaman yan?" Walang ganang tanong niya. Inirapan ko na lang siya dahil sa nahuli niya kong nakatingin sa kanya.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil baka pagalitan nanaman ako ni Mam, and oh, pinapadala pala niya si mama, pero wag muna ngayon, bugbog ako nito mamaya.
*****
"Mag iingat kayong dalawa ha?" Sabi ni Mama. Tumango lang kami ni baboy at tuluyan ng umalis.
Habang nag lalakad kami, nililingon itong si baboy at siya wala lang sa kanya iyon, atsu! Kala mo naman talaga.
Pinauna ko na siyang mag lakad nung una tinatanong niya pa ko kung bakit pero sa huli pumayag din siyang umuna na.
Tumago ako dito sa isang poste at hinintay ang pag dating ni Daze, alam kong ganitong oras ang pasok nila tuwing ngayon di tulad kahapon na 7:00 na.
Hinintay ko siya at after 10 minutes hayun, dumating siya, mag isa. Pinanood ko lang ang paglalakad niya at buo na ang araw ko.
"Siya yun?" Gulat akong napatingin sa tabi ko at halos mahulog ang panga ko ng makita ko ang lalakeng 'to.
Diretsyo lang siyang nakatingin kay Daze, so di ako nag iimagine o nanaginip man lang kagabi?
Tumingin siya sakin. "Siya ba yun?" Ulit niya. Tinignan ko lang siya. "Oh, natulala ka sa kagwapuhan ko?" Nakangiting sabi ko.
Sinara ko ang bunganga ko at iniwas ang tingin sa kanya. "Ang kapal.." Sabi ko lang at naunang maglakad. Nakapasok na rin naman si Daze.
"So, siya nga?" Tanong niya mula sa likod ko. Ano bang pinag sasabi nito? Hinarap ko siya kaya nahinto siya sa pag lalakad.
"Ano bang sinasabi ko diyan? Sinong siya??" Iritadong tanong ko. Ngumiti siya, ang gwapo sana eh, kung di lang engot eh malamang nagustuhan ko na 'to.
"Yung lalake kanina?" Sabi niya pag papatungkol kay Daze. Nangunot ang noo ko.
"Bakit? Anong meron kay Daze?" Tanong ko sa kanya, lalong lumawak ang ngiti niya at tumango tango.
"Imaginary Boyfriend mo." Simpleng sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat, wala kong pinag sabihin na kahit sino na si Daze ang imaginary boyfriend ko!
"P-pano mo.." Di makapaniwalang sabi ko. Natawa na lang siya.
"Nakikita ko kayo." Sabi niya. Teka? Ano? Lalo kong naguluhan sa sinasabi niya. Ako ba pinagloloko nito?
"Ayaw mo maniwala? Sige, eto patunay, ayan siya o, nasa tabi mo." Sabi niya at nginuso ang tabi ko, napatingin ako sa tabi ko. He's right. Daze is here sa tabi ko at kanina ko pa iyon iniimagine.
Manghang nag balik ang tingin ko sa kanya at nakangiti siyang nagkibit balikat natulala lang ako sa kanya.
Umalis na siya sa harap ko pero nakatulala parin ako sa pwesto niya kanina, pero bago pa man nilingon ko agad siya pero pag lingon ko wala na siya.
Whut?!
O_O
YOU ARE READING
Imaginary Boyfriend: Lovelle Ponce
FantasiLovelle Ponce (14) Original Date: • September 16 2018 • October 23 2018