IMAGINATION 45

55 5 0
                                    

• CHAPTER 45 •

Nakaka-anim na chuckie na yata ako pero wala parin balak mag salita ang misteryosang classmate ko na ito.

Napatingin ako sa kanya, magkatabi lang kasi kami, dito sa bench sa labas ng 7/11.

"Wag mo kong titigan." Cold na sabi niya. Napaiwas tingin tuloy ako at mabilis na sinipsip ang natitirang laman ng chuckie ko.

Ilang minuto ko siyang di tinignan hanggang sa di na ko makatiis at nag salita.

"A-ah, bakit mo pala ko sinama dito?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"May nag utos lang." Sagot niy ng di man lang tumitingin sakin. Nangunot naman ang noo ko. Utos? Tumingin siya sa relo niya saka tumayo.

"It's about time, I'll go now." Paalam niya at mag sisimula na sana maglakad palayo pero tinawag ko siya.

"Sandali!" Tawag ko, napalingon naman siya sakin. "T-thank you." Pasasalamat ko.

Ngumiwi naman siya. "Don't thank me, ginawa ko yun bilang pabor at hindi kita tinulungan okay?" Sabi niya at tatalikuran na sana ako, pero pinigil ko ulit siya.

"Sandali, ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko. Nakatalikod lang siya sakin.

"Athena... Athena De Verra.." Sabi niya at nag tuloy tuloy na sa pag lalakad.

***

Kinabukasan nag simula na ang hell life ko sa DABH, May nag tatapon sakin ng spaghetti sa canteen, pinapatid ako at binabato ng kung ano ano, I don't know kung pano kumalat yung tungkol sa nanyare kahapon.

Classmates ko lang ang nakakita pero ngayon, alam na ng buong school.

Isang linggo na ang makalipas at ganun parin ang trato nila sakin, mabuti nga at di pa na sasabi ng principal kay Mommy eh.

"Oh, eto mag palit ka." Inabot sakin ni Athena yung bagong uniform.

"Thanks." Pasasalamat ko.

"Wag mo-"

"Oo, alam ko na, kahit na pabor lang 'to, salamat pa rin.. Pasalamat narin doon sa taong humingi sayo ng pabor." Sabi ko.

Pumasok ako sa cubicle ng isang CR at nag palit. Si Athena, mula kanina, kasa kasama ko na yan, siya ang nag proprotekta sakin.

Ewan ko ba diyan, nacurious tuloy ako kung sino yung nang hihingi sa kaniya ng pabor.

Lumabas na ko ng cubicle matapos ko mag bihis. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.

"Wag kang mag alala.." Napatingin ako kay Athena ng mag salita siya pero di naman nakatingin sakin. "Bukas, tapos na daw ang lahat." Sabi niya at nauna nang lumabas.

Ano daw? Umiling iling na lang ako at mabilis na tumakbo upang sumunod sa kanya palabas.

******

Kinabukasan, inihanda ko na ang sarili ko sa aabutin ko ngayong araw pero kataka takang pagpasok ko sa loob ng DABH ay wala man lang pancake na sumalubong sa mukha ko.

Kunot noo kong pinagmasdan ang paligid. Normal lang na nag lalakad ang lahat, pag nakakadaanan nila ako ay nginingitian nila ako.

Teka? Ano 'to? Napatakbo ako papunta sa classroom ng mapansin ko ang kakaibang panyayare.

Lahat sila napatingin sakin, pero imbes na palihim ako batahin ko, pag sabihan ng masasakit na salita.

Sinalubong pa nila ako ng malawak na ngiti at binati ng masiglang 'Good Morning' gulong gulo akong umupo sa seat ko.

"Hi Angelaa! Girls night out mamaya?" Yaya ni Sarah. Lalo akong nalito.

"T-teka.. Di kayo galit sakin?" Tanong ko, nangunot ang noo nilang tatlo.

"What are you saying! Bakit naman kami magagalit sayo?" Sabi ni Sarah. Naguluhan ako, panong nanyare yun? Eh halos sila nga ang pasimuno ng lahat?

"Bukas, tapos na daw ang lahat."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Athena kahapon, napatingin ako sa kinauupuan niya at hayun siya, nakangising tinitignan ako.

How could she? "Go back to your proper seat girls." Nabaling ang tingin ko sa nag salita at halos di na maalis ang tingin ko sa kanya.

"Why Papa Daze, ayaw mo ba kami katabi? Hmp!" Kunyaring nag tatampong sabi ni Sarah at kumapit sa braso ni Daze.

Bwiset talaga 'tong babaeng 'to! Sarap kalbuhin! "Get out of my way." Sabay sabay silang napatingin sa bagong dating na si Heart.

Agad bumitaw si Sarah sa braso ni Daze at lumambitin namam sa braso ni Heart. Mukha namang nairita siya.

"Papa Jackrill! You're here!" Malanding sabi ni Sarah. Tss. Patay ka, ayaw pa naman ni Heart na hinahawakan siya.

"Tsk. Let go!" Binalibag ni Heart ang kamay ni Sarah at binangga sina Lei at France na nakaharang sa daan niya.

Mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nila.

Pero lalong nalukot ang mukha nila ng marinig ang itinawag sakin ni Daze.

"Good Morning, Love.."

:")

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now