IMAGINATION 10

72 8 0
                                    

• CHAPTER 10 •

Antok na antok na nag lakad si baboy papalapit sakin at tinignan niya lang ang saging sa lamesa.

"Saging?" Di makapaniwalang sabi niya. Kinuha ko yung saging at itinago sa ilalim.

"O-oy! Bat gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"May bumulong kasi sakin na may saging daw sa labas at totoo nga!" Manghang sabi niya at parang nagising ang diwa niya dito.

Umikot siya sa lamesa papunta sakin at kinuha yung saging mula sa ilalim ng lamesa.

Kumuha siya doon ng isa at mangha niyang kinainan iyon. "Amazing!" Nasabi na lang ng kapatid ko.

Di niya man sabihin, alam kong siya ang may pakana ng mga ito.... Sino ka ba talaga?

******

"Nanaginip ba ko kanina? Diba hindi? May saging talaga kong nakain?!" Di makapaniwalang sabi niya at wow ha? Di siya suplado ngayon dahil sa saging na iyon. Thanks to him.

Napailing na lang akong ngumiti. Nag lalakad na kami ngayon papunta sa school. Huminto ako sa tapat ng DAFH at pinauna si Heartler, di na siya nag tanong dahil until now mangha parin siya sa nanyare kanina.

Hinintay ko na lang ang pagdating ni Daze pero mukhang malalate siya ng dating ngayon.

Ilang minuto akong nag hintay at ilang minutes na lang ay mag sstart na ang klase ko.

After 2 minutes nakita ko na rin siya sa wakas, pero napasimangot ako ng may makita akong babaeng kasama niya.

Akbay niya pa ito at masaya pa siyang nakikipagtawanan dito. Whut? Sino yan?! Sa buong buhay ng pag silay ko kay Daze eh ngayon ko lang siyang nakitaang may kasamang babae at seryso sino siya?!

Nakasimangot ko silang tinignan hanggang sa pumasok na silang dalawa sa school. Sino yung walang hiyang yun ha?!

Pasugod akong nagbalak na pumasok sa gate nila pero agad akong hinarang ng guard.

"Sorry mam, bawal outsider dito." Sabi ng guard. Napatingin ako sa kanya.

"Eh manong! Sandali lang may kakausapin lang akoo!" Pakiusap ko. Kakalbuhin ko talaga yung babaeng iyon.

"Eh mam, pasensya na bawal po talaga, kung gusto niyo po ay tawagan niyo na lang po siya at palabasin siya dito." Sabi ni manong.

"Eh manong saglit lang"

"Mam wag na pong makulit." Pigil ng guard sakin. Hopeless akong tumingin kay Daze at doon sa babaeng kasama niya sa di kalayuan.

Nakita ko ang malanding pag hawak ng babaeng iyon sa Daze ko! Aba! Aba! Sinusubok ako nito ha?!

"Hayop siya!" Sigaw ko at nag tangkang sumugod pero agad akong pinigilan ni manong. "Manong bitawan niyo ko sandalii!" Gigil na sigaw ko at nag pupumiglas sa paghawak niya.

Nagtitinginan samin ang mga tao at isa na si Daze sa mga taong iyon. Napahinto ako sa pagpupumiglas.

Nakatingin lang siya sakin, hanggang sa hatakin na siya ng babae palayo. Marahan akong itinulak palabas ng guard.

"Sorry mom. Bawal po talaga outsiders." Sabi ni manong pero di ko siya pinansin. Huhu! Bakit may babae na siyaa!

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Imaginary Daze doon, masama ko siyang tinignan at mabilis na tinalikuran.

"Wag mo kong susundan." Utos ko. Mabilis akong tumakbo at halos nalagpasan ko na yung school namin.

Nag punta ako doon sa tagong park na di pinupuntahan ng mga tao. Nilingon ko ang likod ko at nakita ko siya doon.

Kahit na sabihin kong mag laho siya sa paningin ko di ko magawa dahil siya ang nasa isip ko.

"Daze naman eh, pwede ba! Umalis ka muna?" Naiiyak na tanong ko. Alam kong wala kong karapatang umiyak sa nakita ko. Pero huy! Ang sakit kaya! 4 years ko na siyang crush!

"Alam mo bang ansakit sakit?" Umiiyak na tanong ko. Di siya umimik malamang walang gana ngayon ang imagination ko.

Lumapit ako sa kanya at sinubukan siyang suntukin pero tumagos lang ang kamay ko sa kanya.

Napaupo na lang ako sa inis. Naiinis ako pero wala akong karapatan... Alam kong mukha akong baliw pero masakit talaga eh.

Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak, sandali akong natahan ng makita ang pamilyar na pares ng sapatos.

Nag angat ang tingin ko, at tama nga ko, siya nga. Maluha luha ko siyang tinignan.

"Ash gray, may iba na siya...."

°^°

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now