IMAGINATION 27

51 9 0
                                    

• CHAPTER 27 •

"Love, Heart.." Tawag samin ni Mama. Lumapit naman ako pero si Heart ay lumabas na ng bahay. Tumingin ako kay Mama, malungkot siya, pero pilit niya parin akong nginitian.

"Hayaan mo na yung kapatid mo, maiintindihan niya rin." Sabi ni Mama, ngumiti lang rin ako.

"Mag iingat kayo doon anak ha?" Sabi ni Mama. Tumango lang rin ako. "Alam kong di ako naging mabuting magulang sa inyo... Pero, minahal ko kayo na parang tunay na akin.. Sana wag niyo ko kalilimutan." Sabi nito.

Niyakap niya ko at niyakap ko din siya. "Aj? Let's go." Pumasok si MOMMY sa loob ng bahay at lumapit samin. Ngumiti siya kay Mama.

"Thank you, I owe you a lot.. Wag ka mag alala, di ko sila ilalayo sayo. You can still visit them.." Sabi ni Mommy. Tumango lang si Mama.

Sabay-sabay kaming lumabas. Napahinto ako sa kotse sasakyan namin. Magara at maganda, pangalawang beses na ko makakasakay sa magarang kotse.

Kumaway muna ko kay Mama tsaka pumasok sa kotse. Nakita ko si Heart na tulog na, siguro ay napuyat din sa kaiisip.

Sumakay na rin ako at nanatiling gising. "Hey..." Napatingin ako sa tabi ko. Si ash gray. "It's been a long day for you.. You should rest.." Isang ngiti ang kumawala sa bibig niya at iyong ngiting iyon ang nagparamdam sakin sa okay na ang lahat.

Sumandal ako sa balikat niya at napakakomportableng matulog sa balikat niya.

Payapa akong nakatulog nung araw na iyon. Kinabukasan pag gising ko nasa magarang kulay pink na kwarto na ko.

Mabilis akong bumangon at napapikit na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Tumayo ako at nag libot ng tingin. Nasan ba ko? "Boo!"

"Ay kalabaw!" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang ash gray na nakatayo doon.

Tawa pa siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at ng mapansin niya iyon agad naman siyang tumitigil.

Naglibot na lang ulit ako ng tingin. Halos lahat dito ay kulay pink, mapa flooring, o yung wallpaper, yung kama, kurtina, kabinet...

Ayaw ko pa naman sa pink. "Nasan ba ko? Pink land?" Tanong ko sa kaharap ko.

Natawa siya ng unti. "Nasa bahay niyo." Sagot niya, napataas ang kilay ko. Bahay namin? Eh halos doble na to ng bahay namin eh! "Bahay ng Mommy mo." Paglilinaw niya.

Napanganga ako. Whut? Ganito kalaki? Mukhang kwarto pa lang 'to eh! Seryoso?

"Oh, Mam, gising na po pala kayo.."

*****

Muntik na kong mahulog na hagdan kakalibot ko ng tingin, pano ba naman kasi! Mukhang palasyo ang bahay na ito pwedeng pwede nang maligaw! At isa pa, may pa red carpet pa yung hagdan.

"Ah, Mam, dahan dahan po." Sabi nung matandang maid na inaalalayan akong bumaba.

Di ba dapat siya ang inaalalayan kong bumaba?

"Aj.." Tawag sakin ni Mommy ng makababa ako. Niyakap niya pa ko at dinala sa malaki nilang kusina.

Pinaupo niya ko sa tabi ni Heart na mukhang mangha din sa paligid. Nag simula na kaming kumain ng tanghalian ng dumating na ang pag kain.

O.O

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now