IMAGINATION 52

59 4 0
                                    

• CHAPTER 52 •

"Umusog ka nga doon!" Reklamo ko at itinulak siya gamit ang likod ko, pero sadyang malakas siya kaya di ko siya maitulak.

Napabangon ako mula sa pag kakahiga. Tinignan ko ang space niya! Kaya naman pala eh! Anlaki laki nang higaan ko at sure akong magkakasya kami ng may malaking space sa gitna pero itong isang ito pilit na sumisiksik sakin, sobrang laki ng space sa tabi niya!

Napatingin ako sa mukha niya. Nakangisi pero nakapikit. Hinampas ko ang braso niya na ikinadilat niya.

"Bwiset ka!" Sigaw ko saka tumayo, pero di pa man ako tuluyang nakakatayo eh hinatak na niya ko pahiga sa kanya.

Niyakap niya ko, sinubukang kong kalasin ang kamay niya pero malakas siya. Ugh! Kainis.

Well, kung nag tataka kayo kung bakit nakahiga dito ang isang 'to..

[: FLASHBACK :]

Di ko siya pinansin matapos niya kong sigawan ewan ko sa kanya. Nag punta lang ako sa ent room pero sinundan niya ko kaya lumipat ako sa guest room, at lahat nang room pati sa CR eh sinusundan niya ko.

"Mam, kain na po." Sabi ni manang. Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Bumaba na ko at pumunta sa dining area para kumain.

Ako lang mag isa ang kakain ngayon, dahil ang magaling kong kapatid eh wala parin.

"Oh, wala kang balak subuan ako?" Tanong niya. Kunot noo ko siyang tinignan saka sumubo nung kinakain ko.

"Eh diba ganun ang mag asawa, nag susubuan." Naibuga ko lahat nang laman ng bibig ko dahil sa sinabi niya, kaya naman nag lapitan sakin lahat nang maid.

"Sige po, okay na po ako.." Sabi ko sa kanila. Umalis na rin sila pag katapos ko nun.

"Tss. Andami kasi kung sumubo eh. Akin na nga." Sabi niya, binaba niya ang kutsara ko sa plato ko saka hinatak papunta sa kanya ang plato.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now